"Good evening, Students!"
Narinig kong malakas na bati ng MC sa crowd mula dito sa waiting room provided para sa mga participants. Narinig ko din yung hiyawan ng mga tao na nakapagpadagdag ng kaba ko.
"Excited na ba kayo sa mga magaganap ngayon?" Sabi ng MC at nagsigawan ulit.
"Okay! Mukhang handang handa na kayong makipagrakrakan ah! Simulan na natin! Welcome to our first ever Battle of the Bands! I am Lianne Liberto and I will be you host for today. So before we officially start our competition, let me introduce to you first our respectful judges."
Noong marinig ko kung sino yung MC ay napatingi agad ako kay Jin na nakatingin sa kawalan pero nakangiti. Nako. Tinamaan na talaga itong tropa namin.
Pinakilala ni Lianne yung mga judges. Mga teachers lang din from other departments kaya kahit papaano ay komportable pa din ako. Sinabi din niya ang mga rules at reminders. Binanggit niya din ang pagkakasunod sunod ng mga banda na sasalang. Bawat banggit ng pangalan ng banda ay may naghihiyawan. Noong banda na namin ay mas lumakas yung hiyawan at parang may mga nagwawala pa.
"Hoy! Huwag niyo kaming i-pressure!" Sigaw ni Jay na para namang maririnig ng audience kaya tinawanan na lang namin siya.
Tumingin ako kay Lou nang napansin kong hindi siya mapakali kaya naman ay nilapitan ko siya.
"Nervous?" Sabi ko nang mapansin kong panay ang kiskis niya na kamay niya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Keri naman. Hindi ako kinakabahan sa magiging performance natin. Sa ibang bagay ako kinakabahan."
Naintindihan ko kaagad ang gusto niya iparating kaya tumango ako. "Pang-ilan sila?"
"Pang siyam."
Huminga ako ng malalim at parang sumakit yung ulo ko. Ibig sabihin, kung sakaling gawin nila yung balak nila ay meron lang kaming kaunting minuto para kumalma dahil alam kong sobrang magagalit itong mga to.
Pinapanalangin ko na sana, hindi nila tinuloy at nakonsensiya sila sa binabalak nila.
"So, let's start with our first band. Tawagin na natin ang The Gallilee!"
Narinig ko na naman ang mga sigawan ng audience. Hindi na ako magugulat dahil marami ding fans yung banda na iyon, ang banda nila Jerick.
Ininterview saglit ni Lianne si Jerick dahil siya ang leader, bago sila nagsimulang tumugtog.
"Hala, yare ka, Jin! Iinterviewhin yung leader!" Sabi ni Lou.
"Pabor yan sa kanya." Sabi ko naman.
"Manahinik kayo dyan. Nag-iipon ako ng panibagong lakas ng loob ah." Sabi ni Jin dahilan para matawa kaming lahat. Pero sa kabila ng tawa namin ay mga ninenerbyos na kalooban.
"Don."
Lumingon ako kay Lou at nakita kong hawak niya yung phone niya para magselfie kaya sumama na ako. Nakatatlo kaming shots bago niya niyaya yung buong banda.
"Picture tayo! Litrato bago ang sakuna!" Sabi niya. Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. Mukhang biro, pero hindi.
Kung ano ano lang ang pinagkaka-abalahan namin sa waiting room hanggang sa natapos na ang pang walong banda. Ibig sabihin ay turn na nung bandang inaabangan namin.
Mas naging attentive ako sa pakikining kumpara sa mga banda kanina na pinapakinggan ko lang. Habang nakikinig ako ay inoobserbahan ko din yung iba naming kabanda. Pare-pareho kaming tatlo nila Phil at Lou ng expression ng mukha, sobrang seryos9 at parang anytime ay sasabog sa galit.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...