SC: Louielie's POV Part 8

22 4 0
                                    

Noong matapos na ni Papa yung pag-aasikaso ng mga kailangan namin sa paglipat ulit sa Pilipinas ay agad kaming umuwi.

Sobrang saya ni Ate noong nalaman niyang uuwi na ako. Ako din naman ay masaya at excited dahil gusto ko nang makita yung pamangkin ko.

2 years old na yung anak nila Ate Kristal at Kuya Red pero hindi ko pa din nakikita ng personal. Laging sa video call lang. Hindi ko nga alam kung makikilala ba ako nung batang yun kapag nakita niya ako.

Nakarating na kami ni Papa sa airport at si Ate Kristal ang magsusundo sa amin. Agad din naman namin siyang nakita ni Papa.

"I missed you, kapatid!" Sabi niya habang nakayakap sa akin.

"Namiss din kita, Ate." Masayang sabi ko.

"Nakakaloka ka! Anong ginawa mo dyan sa buhok mo? Bakit ang papansin ng kulay?" Sabi ni Ate nung bumitaw siya sa yakapan namin.

Napangiwi ako nung maalala ko yung pangyayaring yun. Narinig kong tumawa si Papa kaya nagtanong si Ate kung anong meron, kinuwento ko naman sa kanya.

Nasa U.S. pa ako nung nagpakulay ako. Gusto ko kasing magrelax dahil kinakabahan ako sa pag-uwi ko kaya naisipan kong i-pumper yung sarili ko. Nagpa-spa ako, nagpa-manicure at pedicure, nagpa-rebond nga din ako. Sinuggest sa akin nung hair stylist na magpakulay din kaya sinunod ko. Namili ako ng kulay na hindi gaanong pansinin. Copper Red ang pinili ko dahil akala ko ay medyo dark siya, yun pala ang tingkad. Doon ko narealize na color blind na ako, parte ng sintomas ng RP.

"Okay lang naman. Bagay naman sayo kasi maputi ka." Sabi ni Ate habang nasa kotse na kami.

"Kaso naman, ayoko ng ganito. Papansin eh."

"Edi dapat pinapaitiman mo." Sagot naman ni Papa.

"Nagsayang lang ako ng pera kung gagawin ko yun. Hirap kumita ng pera kaya hayaan na. Panindigan ko na to. Gaya nga ng sabi niyo, maganda naman."

Tumawa lang sila sa sagot ko at hindi na nagsalita. Ako naman ay inabala ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng kotse. Tinignan ko yung mga dinadaanan namin. Ang dami nang nagbago dito sa Manila sa pitong taon na nawala ako, pero matraffic pa din.

Dahil sa traffic ay nakuntento na lang ako sa pagtingin sa mga billboard sa paligid. Medyo nakakainggit yung mga kagandahan at kagwapuhan ng mga model sa billboard na ito. Nahihiya siguro yung hormones nilang magproduce ng pimples sa mukha nila.

Inilibot ko pa yung paningin ko at huminto lang yun sa isang billboard ng isang clothing brand. Merong seryosong mukha ang model kahit hindi ganun ang concept ng attire. Whole body ang shot na yun kaya parang nakita ko na din kung ano nang itsura niya sa personal pagkatapos ng pitong taon.

Si Don ang model ng clothing brand sa billboard na yun. Ang laki na talaga ng pinagbago niya. Nawala na yung binatilyong imahe niya sa utak ko kundi napalitan na ng matured na itsura.

Kahit kalmado akong nakatitig sa billboard niya ay kabaligtaran yun ng nararamdaman ng puso ko. Sobrang bilis ng tibok nun habang tinitignan ko yung maamo ngunit walang emosyon niyang mukha. Pinagpapawisan nga yung kamay ko dahil iniimagine ko kung gaano na siya ka intimidating kapag nagkaharap na kami.

Ang gwapo niya talaga. Shit.

"Baka magpanic yung mga tao kapag nakita nilang natunaw bigla yung billboard dyan. Hinay-hinay lang."

Napukaw ni Ate ang pag-iisip ko kaya napatingin kaagad ako sa kanya. "Ha?"

"Meron namang picture niyan sa internet. Yun na lang titigan mo. Kasi hindi tayo forever magii-stay dito sa traffic." Sabi ni Ate at tumawa bigla. Nakitawa din si Papa at umiling-iling

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon