Chapter 56

40 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ang huling linggo namin para sa taon na ito. Next week ay Graduation na namin.

Noong mga nakaraang linggo ay medyo nabusy kami dahil sa mga requirements at projects na kailangan namin ipasa ng mas maaga dahil mas maaga ang exam namin dahil aasikasuhin na namin yung Graduation. Medyo nakakapagod at nakakastress, lalo na sa akin na hindi sanay magsipag sa pag-aaral. Mabuti na lang at may mga kasama akong magsipag kaya nadadamay na din ako.

Last week ay nalaman na din namin kung anong gender nung ipinagbubuntis ni Mommy at nalaman namin babae yun. Sobrang tuwa ko dahil gustong gusto ko talaga ng babae kapatid. Yes, nandyan si Ada at Melody na mas bata sa akin pero gusto ko pa dahil hindi ko naman na-baby yung dalawang yun. Gustong gusto din ni Daddy ng babae kaya tuwang tuwa siya nung malaman namin yun. Kaya ngayon, sobrang spoiled na talaga si Mommy sa kanya. Minsan nga niloloko ko sila na  nakalimutan na ata nilang may anak sila. Tinatawanan lang nila ako. Pero joke lang naman yun. Dahil ako din mismo ay gusto kong i-spoiled si Mommy.

Regarding sa university na papasukan namin, first week pa ng April namin malalaman yung resulta pero kahit ganun ay naghahanda na din kami sa mga requirements na kailangan.

Last week din ay tapos na yung Final Exam namin. Pinakita na din yung resulta at yung mga may honors sa klase namin. As usual, walang nakatalo kay Sabrina sa top 1, si Jin naman ang naging top 2, top 3 pa din si Lou, top 4 ako at top 5 si Phil. Natatawa ako habang naiisip na sana dati pa ako nagsipag. Kaya ko naman pala ng maging honor student. Nahigitan ko pa si Phil na parang next to impossible lang. Inaasar ko nga siya na baka pinagbigyan niya lang ako dahil mahal na mahal niya ako. Ayun, binatukan ako.

Ngayon ay papunta kami ngayon sa auditorium para panoorin yung ginawa naming short film sa El Fili. Yung buong school ang manonood non kaya medyo kabado kami dahil kami-kami ang mga gumawa nun.

"Bakit ako kinakabahan kahit wala ako sa casting?" Sabi ni Jay nang makaupo kami.

"Oo nga naman. Halos wala ka namang ginawa doon pero bakit ka kinakabahan?" Natatawang sabi sa kanya ni Lou.

"Hoy! Grabe ka sa akin Louielie Aurora! Tumulong ako sa story board!" Depensa ni Jay.

"Oo. Mga inambag mo, puro kalokohan, Kaizer Jay!" Sagot naman ni Lou kaya nagtawanan kami habang si Jay naman ay sinamaan kami ng tingin.

"Huwag ka na kasing lumaban, Jay. Malakas tong tropa nating to eh. Musical Scorer yan eh." Sabi ni Brian habang tinatapik niya yung balikat ni Jay.

"Ang daya eh. Dapat kasi inapprove ni Sabrina yun eh." Sabi niya at parang  batang humalukipkip.

"Walang ka-approve-approve don." Sagot naman ni Phil.

"Nabasa ko nga yung sinuggest mo, Jay. Pinabasa sa akin ni Sab." Natatawang sabi ni Melody na nasa tabi ni Phil. "Parang tanga naman nung ginawa mo at wala na sa libro."

"Ayaw niyo nun? May kakaibang twist?" Sagot ni Jay.

"Tama bang ginawa mong zombie si Maria Clara? Ipapamulto talaga kita kay Jose Rizal." Sabi ni Jin.

Nagbangayan pa sila ng bangayan habang ako naman ay nakikitawa lang sa kanila. Well, hindi sa pagmamayabang pero sa aking story board na gawa ang naapprove. Syempre, sa collaboration nung iba naming kaklase. Pero sa gawa ko sila nagbase.

"Si Jay, dakdak ng dakdak. Mahiya ka nga sa na-approve yung story board. Tahimik lang oh." Turo sa akin ni Melody.

Tinawanan ko lang sila pero hindi na ako sumagot. Naramdaman ko lang na humilig sa balikat ko si Lou kaya napatingin ako sa kanya. Hinalikan ko yung ulo niya kaya lumingon siya sa akin. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon