A/N: bilang pambawi sa kakulangan ko bilang manunulat ninyo (char), eto na ang part 9 ng POV ni Loubabes!
Happy Anniv, Mortelle and Labrant!
Enjoy reading!
----Pangalawang araw ko pa lang sa trabaho pero parang pakiramdam ko ay marami na akong kailangan gawin. Una ay yung sa album, pangalawa ay sa concert, pangatlo ay kung paano ako magpapaliwanag sa mga kaibigan ko lalo na kay Don, at pang huli ay yung pakikitungo nitong kasama ko sa akin.
Hindi ako manhid. Alam kong may intensyon na kakaiba sa akin si Mark pero dahil nasa trabaho ako ay hindi ko siya pinapansin. The way he looks at me, the way he talks at me, it's rude.
Gusto kong umangal at magsalita dahil malakas ang kutob ko na kapag kinatagalan ay may gagawin siya sa akin masama. Judgemental na kung judgemental pero hindi ko talaga gusto yung vibes niya.
Habang nagcicifra yung Marahuyo sa loob ng live room ay kinakausap ako ni Mark. Sumasagot ako sa mga tanong niya pero kasi, yung mga sinasabi niya ay tungkol lang sa kanya.
"Sa UST ako nag-aral, Dean's lister pa ako at Magna Cum Laude. Marami din namang nag-offer sa akin na magtrabaho para sa kanila dahil nakita nila yung skills ko pero tinanggihan ko kasi gusto kong makatulong sa Kingston. Maliit na record label pa lang kasi to nung pumasok ako pero noong nagtrabaho na ako dito ay lumago siya at naging tanyag."
Napalingon ako sa kanya bigla noong sinabi niya yun. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Naiinis ako sa kayabangan niya at hindi ko kinakaya yung mga pinagsasasabi niya, lalong lalo na yung huli.
Okay. Ipagpalagay na natin na UST siya nag-aral, dean's lister at magna cum laude. Pero hindi ako interviewer sa trabaho para sabihin niya sa akin yun ngayon. Ano siya? Nagpapasikat?
At anong sinabi niya? Maliit na company lang ang Kingston dati? Eh kung isampal ko kaya sa kanya yung mga award winning artist ng company na to? Ano siya, hindi nagreresearch? Anong kabobohan ang sinasabi nito? Dahil sa kanya kaya naging kilala?
"Kung iniisip mong dahil sayo kaya lumago ang Kingston, dapat promoted ka na as senior producer. Bakit under ka pa din ni Sir Jake? Dapat kapantay mo na siya." Hindi ko mapigilan na magkomento sa sinasabi niya. Kung hindi ako nakakapag-control ay nakapagyabang na din ako dito.
"Ayoko namang magyabang at umangat kaagad kaya nagbigay daan muna ako sa kailangan ng sobrang effort para umangat." Sabi niya at tumingin sa mga tao sa loob ng live room. "Gaya niyang Marahuyo na yan. Hindi naman sila magagaling at hindi naman sila makakaabot sa kung nasaan sila ngayon kung hindi dahil sa akin. Ako nga dapat ang producer nila pero hindi ko tinanggap kasi sayang lang yung skills ko sa kanila."
"Edi palitan mo sila kung sa tingin mong mas magaling ka. Ikaw pumalit dun." Sarcastic kong sagot.
"No, thanks. Baka sabihin nilang mayabang ako kapag pinalitan ko sila tsaka masira yung confidence nila kapag ako ang pumalit sa kanila."
"Bakit? Hindi ka ba mayabang? Wala ka pa nga sa kalingkingan nila, mayabang ka na." Kahit pilit kong pinipigilan na huwag magsalita ng masasakit, hindi ko matiis. He's triggering me.
Ngumisi siya sa akin. "Ang talas ng dila mo ah. Pareho tayo. Gusto mo makipag-espadahan?"
Sinamaan ko siya ng tingin at kumuyom yung kamay ko. Gusto siyang suntukin dahil sa kabastusan ng bibig niya.
"Matalas din gunting ko. Gusto mong gupitin ko yan?" Walang emosyon kong sabi at ibinalik yung tingin sa mga tao sa loob ng live room.
"Pero kung yung Marahuyo siguro ang makipag-espadahan ng dila sayo, papatusin mo?"
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...