Chapter 11

81 3 0
                                    

"T-talaga bang... Nagalit mama mo?"

Tinignan ko siya at sinumulan na yung maitim kong balak. "Oo. Nagalit siya. Bakit mo daw ako sinigawan. Siya nga daw na nanay ko ay hindi ako sinisigawan eh tapos ikaw daw na kakakilala ko lang, sinigawan na ako. Mag-usap daw kayo mamaya." sabi ko kay Louielie habang nakaupo kami dito sa bench sa tapat ng room namin.

Breaktime namin sa hapon kaya naman maraming estudyante ang dumadaan sa harap namin. Kaming dalawa lang ni Lou ang magkasama dahil kung saan saan na naman nagsipunta yung mga mokong. Kahit si Phil ay may pinuntahan din.

Gusto kong matawa sa itsura ni Lou dahil sa sinabi ko sa kanya. Para siyang kinakabahan na naiiyak.

Well, that's partly true. Gusto talaga siyang makilala ni Mommy at makausap. Ilang beses niya pa yun pinaalala sa akin kaninang umaga noong hinatid niya ako sa school na susunduin niya daw ako at ipakilala ko sa kanya si Lou. Ang hindi lang naman totoo sa sinabi ko ay yung papagalitan siya. Kung tutuusin, baka kapag nakita at nakilala niya si Lou ay baka mas iturin niya pang anak yun kaysa sa akin. By seeing my Mom's joyful face, I think she will be very fond of her. Lalo na't si Lou ay jolly din. Magkakasundo sila, for sure.

"Don... Sorry na... Sorry talaga. Pasabi sa mama mo. Hindi ko naman talaga sinasadya yun eh. Trip lang yun. Sabihin mo na lang yan sa kanya. Natatakot akong makausap siya eh. Please?"

Tinignan ko siyang mabuti at nakita kong nangingilid na yung luha niya sa mga mata niya kaya bahagya akong nataranta. Hindi ko naman inaasahan na iiyak talaga siya. Gusto ko lang siyang pagtripan.

"O-oy... Huwag ka umiyak, Lou." sagot ko at parang hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na't tumulo na yung luha niya.

"E-eh kasi eh.. N-natatakot ako sa mama mo. Baka masungit..." sabi niya at yumuko pa habang humihikbi.

Hindi ko na napigilan ang matawa dahil sa itsura niya na nagpaangat ng tingin niya sa akin.

"Bakit ka tumatawa? Masaya kang umiiyak ako?" mataray niyang tanong sa akin.

Natigil naman ako sa pagtawa at tinitigan siya. Ngayon ko lang siya nakitang magtaray.

At bakit ganun? Parang lalo siyang gumanda?

Napailing na lang ako at ngumiti. Umangat ang kamay ko patungo sa pisngi niya at pinunasan yung luha niya. Masama pa din yung tingin niya sa akin pero hindi ako nagpatinag.

"Huwag kang matakot. Mabait si Mommy." sabi ko lang at hindi ko na dinugtungan, baka mahalata niyang niloloko ko lang siya.

Nagusot ulit yung mukha niya at umiyak ulit. Tinakpan niya na yung mukha niya para hindi ko na makita.

Natawa ulit ako sa pag-iyak niya. "Hoy, Lou! Wag kang umiyak!" sabi ko at tumawa ulit.

"Ewan ko sayo! Buset ka!" sabi niya at tumayo sa kinauupuan niya. Nakahalukipkip siyang pumasok ng room.

"Lou! Saglit lang!" sigaw ko sa kanya ngunit hindi niya ako nilingon. Sungit.

It's been a week since the Welcoming Event happened. Isang linggo na rin simula nung napagdesisyunan kong lumayo sa kanya dahil sa takot ko. Pero hindi ko pa din nagawa.

It's been almost a week since I've decided that I won't do it anymore. Bahala na kung anong mangyari. Tatanggapin ko na lang. Kakayanin ko na lang. I'll just go with the flow and do the things I like without any self restrictions. Kung ano mangyari, atleast kahit isang beses sa buhay ko ay nakaramdam ako ng ganito.

Sana lang ay walang mangyaring masama.

Siguro ay isa na rin yun sa mga dapat kong paghandaan. Kung may mangyaring hindi ko inaasahan, dapat ihanda ko na ang sarili ko sa posibleng mangyari sa akin.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon