"Sinabi ba sayo kung sino?" Tanong ni Jay kay Lianne kaya naputol yung titigan namin.
"Yes. They told me who she is." Sagot ni Lianne.
"Sino?" Tanong ni Brian. "Baka chicks."
Lumingon ako kay Brian at sinamaan siya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nakaramdam ng galit sa kanya.
"Balak mo na namang ligawan? Magtino ka nga." Sabi ni Jin.
"Malay mo naman siya na pala yung para sa akin." Sagot ulit ni Brian na lalong nakadagdag ng galit na nararamdaman ko.
"Ipaghahanda na kita ng kabaong kapag nangyari yun." Sabi ni Lianne.
Ako na maghuhukay ng libingan.
Hindi ko napansin na iba na pala ang tabas ng mukha ko kung hindi pa ako tumingin kay Lianne ulit. She mouthed 'calm down' to me but I can't, kaya tumayo muna ako at lumabas. Gusto ko muna magpahangin.
Narinig kong tinatawag nila ako pero hindi ako lumingon. Kailangan kong kumalma dahil baka hindi ko kayanin yung pinagsasasabi ni Brian at hindi ko siya matantya. The last thing that I want to happen is a ruined friendship.
Umakyat ako sa rooftop at doon muna tumambay. Medyo tirik ang araw pero wala akong pakialam. Gusto ko munang mapag-isa. Kahit ilang minuto lang.
Sa nalaman ko, hindi ko alam kung ano ba talagang mararamdaman ko. Pero isa lang ang alam kong mangingibabaw sa lahat. Galit.
Nakakagalit naman talaga yung ginawa niya eh. Sobrang nakakagalit dahil iniwan niya ako sa ere. Ang hirap maiwan sa kawalan na hindi mo alam kung may hihintayin ka ba o magmumove-on ka na lang.
Galit ako dahil hindi niya sinabi sa akin yung dahilan. Galit ako dahil wala siyang binigay na assurance sa akin. Galit ako dahil hindi niya man lang ako inabisuhan sa gagawin niya. Pero ang mas ikinagagalit ko ay hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.
Mahal ko pa ba matapos ng ginawa niya sa akin? Hindi ko alam.
Hindi ko na ba siya mahal dahil sa ginawa niya sa akin? Hindi ko din alam.
Malalaman ko yun kapag nagkita ulit kami. Ang tanong, anong gagawin ko kapag nagkita ulit kami? Susumbatan ba? Yayakapin ko ba siya? Pagsasalitaan? Hindi ko alam.
Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman yung sarili ko. Ramdam kong mabilis ang tibok non. Pero masakit. Masakit yung pagtibok.
Habang nagmumuni-muni ay naramdaman kong nagvibrate yung phone ko.
From: Phil
Where are you? Practice na tayo.
Pinakalma ko muna yung sarili ko bago nakapagdesisyon na pumunta na sa studio. Might as well distract my self from my thoughts.
Nang makarating ako sa floor kung nasaan ang studio namin ay nakita kong nasa labas si Lianne at mukhang may hinihintay. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit.
"Donnie." Nag-aalalang tanong niya.
Hindi ako sumagot sa kanya at huminga lang ng malalim.
"You knew?" Makahulugang tanong niya. Alam ko yung ibig niyang sabihin kaya tumango ako.
"How?"
Tumingin ako sa malayo at wala sa sariling nagsalita. "The last song.. that's her gift to me on my 17th birthday."
Napatakip siya sa bibig niya bago nagsalita. "Should we tell them?"
Mabilis akong umiling. "No. Don't tell them. Hayaan mong sila ang makaalam na siya yun." Sabi ko at nilagpasan na siya.

BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomansAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...