Chapter 98

86 3 1
                                    

A/N: Last chapter before Epilogue hehe after na lang ng story na ito yung kadramahan ko hehe.
----
"Sir, you will be having a meeting later at 8am with the Finance Department and Logistics for the budget regarding to the construction of the new branch in Cebu." Sabi ni Raki na siyang sekretarya ni Daddy dati pero dahil ako na ang madalas na nag-aasikaso dito sa company niya ay pinahiram niya muna sa akin.

"And then?" Sagot ko habang may pinipirmahang mga papeles na kailangan kong pirmahan. Hanep. 7am pa lang pero parang matatambakan na ako ng trabaho kaagad. Hindi naman ako magrereklamo dahil ako mismo ang nagsabi sa sekretarya ko na siksikin sa umaga lahat ng schedule ko dahil may gagawin ako sa hapon.

"And then, you have to go to Kingston for a meeting with the executives. That would end at 2pm." Sabi niya ulit habang nakatingin sa tablet na hawak kung saan nandun ang schedule ko.

"2pm? Didn't I tell that clear my schedule after lunch?" Striktong sabi ko.

"Yes Sir. After that, wala na po kayong schedule dahil pupunta po kayong airport to fetch the love of your life. You need to be there at 3pm dahil 4pm lalapag ang eroplano na sinasakyan ni Ms. Louielie."

Onti-onti akong napangiti noong mabanggit niya ang pangalan ng pinakamamahal ko.

"Okay, good. Huwag ka nang tumanggap ng kahit anong appointments." Sabi ko at nag-angat ng tingin sa kanya. "Ginawa mo ba yung pinapagawa ko sayo kahapon?"

"Yes, Sir. Handa na po ang lahat ng kailangan. Nagbigay na din po ng go-signal si Architect na pwede na daw pong magamit yun." Sagot niya.

"Is my schedule clear for the next few weeks?"

"Yes, Sir. As per your command. Your schedule is clear for 2 weeks. The board and the executives understood your reason kaya hindi na sila nagreklamo."

"Good. Thank you, Raki. You may now leave."

"Okay, Sir." Bahagya siyang yumukod at ngumiti. Naglakad na siya papuntang pinto pero bago siya makalabas ay lumingon siya sa akin. "Sir! Fighting!" Sabi niya at lumabas na ng office ko. Natawa lang ako at napailing at pinagpatuloy na ang pagpirma sa mga papeles.

Nang matapos ako ay sumandal ako sa sandalan ng swivel chair at himinga ng malalim. Onti-onti ay napangiti ako habang iniisip ang mga nangyari sa nakalipas na taon.

It's been a year since I went back here at the Philippines after Lou's treatment. Sa buong taon na yon ay maraming nangyari at nagpakabusy ako sa mga bagay na alam kong magagamit ko in the future.

After I came back here, nag-release na kami ng single namin at naging busy na din sa mga shows at guestings. Meron din naman kaming individual at group projects aside from being a band. Nagkaroon din kami ng mga mall shows at nag-tour din kami sa buong Pilipinas.

As per my individual schedule, nagfocus ako sa pagpapatakbo ng kumpanya ni Mom at Dad. After I talked to Mom and Dad, they decided to merge their company kahit pa hindi pa nagre-retire ang isa sa kanila dahil nagdesisyon na din naman daw ako na onti-onti ay magtake over na sa kumpanya. Ayaw nila akong mahirapan na magpabalik-balik sa kumpanya nila kaya sila na ang nag-adjust para sa akin. Matagal na nilang plano to kaya napaghandaan na din nila ang mga kailangang paghandaan kaya naman ay hindi na naging mahirap sa amin na mag-adjust. Siguro, sa akin lang mahirap dahil hindi ako masyadong nakikisama sa mga business stuff nilang dalawa. May alam ako dahil nag-aral ako pero ang level ng knowledge ko nung mga panahon na yun ay wala pa sa kalingkingan ng knowledge ng mga magulang ko. Hindi pa sila nagreretiro dahil ginagabayan pa nila ako sa bawat galaw at pasikot-sikot dito. Hindi pa din naman sapat ang isang taon para malaman ko ang lahat lalo na't hindi pa naman ako tuluyang umalis sa banda.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon