Parang huminto yung oras noong marinig ko yun sa kanya. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Kung maaawa ba ako o malulungkot ako. Kung magpapakatatag ba ako para masuportahan ko siya o manlulumo din ako.
Pero ang pinagtataka ko ay bakit hindi ko alam? Bakit hindi niya sinabi?
"K-kailan mo pa alam? 7 years ago?" Mahina ko tanong sa kanya at tumango naman siya.
"N-nalaman mo bang may sakit kang ganyan, noong umalis ka na?" Nauutal na tanong ko.
Kinagat niya yung labi niya at umiling. Lalo siyang umiyak dahil may kasama nang hagulgol yon kaya agad ko siyang pinakalma.
"B-bago pa ako umalis... Alam ko na..." Sabi niya sa pagitan ng iyak niya.
"B-bakit... Bakit hindi ko alam?" Nalilito kong tanong. Parang na-blangko yung utak ko. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Onti-onti na akong nanlulumo.
Para akong nanghihina sa nalaman ko. Kahit pala lagi kaming magkasama, may mga hindi pa din pala ako nalalaman sa kanya. May mga hindi pa din siya sinasabi sa akin.
"I'm sorry..."
Hindi ako nagsalita at nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nararamdaman kong nagagalit ako pero hindi dapat ako magpadala. Dahil alam kong may dahilan siya, alam kong may rason siya kung bakit hindi niya sinabi.
I need to be rational. I need to hear her side. Dahil baka masira na naman kung anong meron kami ngayon kapag pina-iral ko yung galit ko.
Noong hindi ako nagsalita ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Ayokong mag-alala ka sa akin. Kilala kita. Kapag may kinalaman sa akin, you're attentive. Lahat gagawin mo para sa ikakabuti ko. Kaya natakot ako... Natakot ako na baka sa akin ka na lang magfocus... Natakot akong baka masira yung buhay mo dahil sa akin..."
"Of course... I love you so much... I'll do everything for you..." Hindi ko na napigilang maluha dahil inaalala ko yung nakaraan namin.
"We were so happy that time... Ayokong masira yung kaligayahan na yon dahil sa masamang balita na ibibigay ko sayo.." hinawakan niya yung kamay ko at pinisil yun. "Nagpa-physical exam kami, diba? Walang nakitang kakaiba sa resulta nung akin. Pero... Noong dumating yung last week ng January, nagkakaroon na ako ng sintomas. Hindi ko pinapansin yun dahil akala ko normal lang. Akala ko, noon lang ako nagkakaroon ng sintomas, pero yung Night Blindness ko, yun na pala yung sintomas mismo. Nagpacheck up ulit kami dahil bigla na lang akong hindi nakakita isang gabi, and then we confirmed it. Napasa sa akin ni Mama yung sakit niya." Huminga siya ng malalim at nagpatuloy sa pagsasalita. "Bata pa lang pala ako, may sintomas na ako ng RP."
Ibinaon niya yung mukha niya sa kamay ko. "I'm sorry, I didn't tell you... Ayokong alisin yung saya sa mga mata mo ng dahil lang sa sakit ko. Ayokong maging sanhi ng bigat sa damdamin mo.."
"But you still become one... After you left..." Pumiyok yung boses ko dahil sa panibagong luha na namumuo sa mata ko.
"Natakot akong... Baka iwan din kita katulad ng pag-iwan sa amin ni Mama. Kaya naisip kong iwan ka na lang ng may galit sa akin para mawala na yung nararamdaman mo sa akin, at least, magkakaroon ka ng pagkakataon na magmahal ulit dahil wala na yung nararamdaman mo sa akin at makalimutan mo ako na parang hindi ako nangyari sa buhay mo. Kaya nakapagdesisyon akong iwan ka na lang bigla, kahit napakahirap, kahit napakasakit, ginawa ko. Kahit sa araw-araw na ginawa ng Diyos simula nung makapagdesisyon ako, para akong pinapatay dahil sa nakikita kong saya sa mukha mo tuwing kasama mo ako.
"Tinanong ko si Papa kung saan ba nagpapagamot si Mama noong buhay pa siya. Sinabi niyang nasa U.S. daw yung doktor ni Mama. Pero hindi niya in-encourage sa akin na yun yung kunin naming doktor para magpagaling sa akin dahil nasa U.S. nga yun. Ayaw niya akong paalisin, pero nagpumilit ako na pagkatapos ng graduation ball, umalis agad kami para magpatreatment kaagad ako."
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...