"Anong pinag-usapan niyo ni Mommy?" Tanong ko sa kanya habang nakahiga kami sa kama bago matulog.
"Secret po." Sagot niya.
"Sabi ko diba, no secrets?" Asar ko sa kanya.
"Girls talk yun. Hindi pwedeng ilabas yun." Nakanguso niyang sagot.
Natawa ako sa itsura niya. "Joke lang. Syempre, hindi ko na aalamin yun."
"Hindi ko din aalamin kung anong pinag-usapan niyo nila Papa. Alam ko ding nagkaroon kayo ng pagtitipon habang wala kami. Tama ako, no?" Sabi niya.
"Yep. Hindi ko rin sasabihin yung usapan namin." Dahil baka ma-spoil yung plano. "Eto lang yung sikretong hindi ko muna sasabihin sayo for now."
"Muna... So sasabihin mo din, soon?"
"Of course. Hindi ko naman kayang magsikreto sayo ng tuluyan."
"Does it affect our relationship?" Alanganin niyang tanong.
Tinignan ko siya at ngumisi sa kanya. "Definitely, yes."
Nanlaki yung mata niya. "Good or bad?"
"Secret."
"Hey! Tell me! Diba sabi mo, kapag may sikretong makakaapekto sa relasyon natin, sasabihin natin? You made that rule yourself, tapos ikaw magbi-break? Bad ka."
Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Don't worry, Love. It's not what you think! Yes, maapektuhan talaga relationship natin pero hindi katulad ng iniisip mo."
Ngumuso lang siya at tinalikuran ako. Hindi na siya nagsalita at akala ko ay tulog na pero lumipas ang ilang minuto ay nagsalita siya.
"Ano? Hindi mo ako yayakapin?" Nagtatampo niyang sabi. Hinuha ko ay nakanguso pa din siya.
Tumawa ako ng malakas dahil sa pagka-cute niya at niyakap siya mula sa likuran. "Don't be mad, My Love. Sasabihin ko din sayo soon."
"Gusto kong magtampo pero hindi ko kaya." Sabi niya at inilapit sa akin yung katawan niya.
Natawa lang ako sa kanya at hinalikan siya sa ulo. "Kasi mahal mo ako."
"Yeah. Mukha namang hindi masamang epekto yung sasabihin mo kasi nakakatawa ka pa."
Pinaningkitan ko siya ng mata at mapaghinalang nagtanong. "Hinuhuli mo ako, no?"
"Tsk. Ano ba yan. Nahuli kaagad ako." Sabi niya.
"Hindi mo ako mahuhuli, My Love." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Huhulihin din kita. Akala mo."
"Kung makasabi ka ng huhulihin mo ako, para akong may other woman maliban sayo."
"Wala nga ba?" Mapang asar na sabi niya.
"Meron. Pero hindi pa ngayon."
Siniko niya ako bigla kaya napangiwi agad ako. "Tang ina mo, may balak ka?!" Sigaw niya.
"Oo naman. Bakit hindi?"
"Aba't-! Gago ka!"
"Bakit ka nagagalit?" Inosente kong tanong.
"At sinong hindi magagalit don?! Inamin mo mismo na may balak kang mambabae! Tang-!"
"Bakit ka nagagalit? Eh yung susunod namang babaeng mamahalin ko ay tatawagin kang Mommy." Pagputol ko sa sasabihin niya.
Naramdaman kong natigilan siya at bahagyang lumingon sa akin. "H-ha?"
Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya. "Sabi ko, yung susunod na babaeng mamahalin ko ay tatawagin kang Mommy."
![](https://img.wattpad.com/cover/233566951-288-k14046.jpg)
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomantiekAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...