I am not okay.
Yan lang ang nasa isip ko habang papunta ng lounge namin. May mga bumabati sa akin pero hindi ko sila pinapansin. Ang mahalaga sa akin ay makapunta agad sa lounge. Pero bago yun ay kailangan ko munang kumalma at huwag ipahalata sa kanila yung nakita ko. Naging matagumpay naman ako dahil bago pa ako pumasok ay ilang beses muna ako huminga ng malalim.
Nang makapasok ako ay nandun na silang apat. Wala pa si Lianne. Marahil ay nandun pa sa executive office dahil kakausapin pa siya.
"Hey, Bro." Bati ni Jay at nakipag high five sa akin. Ganun din ang ginawa nung tatlo.
"Punta na daw tayo ng conference room 2. Dun na lang daw tayo maghintay sabi ni Lianne. Nandyan na daw si Miss PD." Sabi ni Jin at kanya kanya na silang tayo. Wala pa naman akong isang minuto sa lounge kaya nakatayo pa din ako.
Sabay-sabay kaming lumabas ng lounge at pumunta sa conference room. All throughout ng lakad namin ay hindi na ako mapakali pero hindi ko pinapahalata. Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. Ano kaya ang magiging reaksyon nung apat kapag nalaman nila? Sana hindi sila magalit sa kanya. Dahil kahit may kasalanan siya sa akin ay ayaw ko pa din siyang mawalan ng kaibigan.
Nang makarating kami doon ay nandon na din yung ilang executives, wala pa din si Lianne. Baka kasama niya yon.
Pumwesto na kami sa kanya kanya namin usual na pwesto. I made sure na meron akong katabi in both sides dahil may possibility na makatabi ko siya. Ayaw ko munang maglalalapit sa kanya.
Nakipagkwentuhan muna kami sa ilang executives na nandoon. Nakakatuwa din ang company na ito dahil kahit matataas ang posisyon nila ay nakakausap pa din namin sila ng casual. Minsan nga ay nakakabiruan pa namin. Hindi naman kasi nalalayo yung edad namin sa kanila. Lahat sila ay halos early 30s lang. Ang uncle na ata ni Lianne ang pinakamatanda which is late 40s na.
Ilang minuto ang lumipas ay bumukas na ang pinto kaya naman biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa nerbyos. Kahit nakatalikod ako sa pinto ay hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino yung pumasok. Dahil sa nakikita kong itsura ni Jay at Jin na siyang nasa harap ko ay alam ko na agad kung sino.
"We're here. Kasama ko na siya." Announce ni Lianne noong makapasok sila.
"Pucha.." mahinang sabi ni Jay at tumingin sa akin.
Walang sinabi si Jin pero tumingin din siya sa akin ng makahulugan.
"What the hell.." bulong ni Phil.
"Shit!" Sabi ni Brian at tumingin sa akin. "Bro, I'm sorry, bro. I didn't know! Kalimutan mo na lang yung sinabi ko!" Dahil napalakas ang boses niya ay napalingon sa amin yung mga tao don. Tinignan ko lang siya ng masama kaya tumahimik na siya at dumiretso ng upo.
Ako naman sa kabilang banda ay sobra na ang pagkakakuyom ng kamao sa ilalim ng mesa. Nakakaramdam ako ng galit. Nakatingin lang ako ng diretso sa lamesa at hindi lumilungon sa gitna ng conference room dahil nandun sila.
"Ayan. Bawas-bawasan kasi ang pagiging maharot." Sabi ni Lianne at umiling iling pa.
"So, we have here your new producer, Ms. Louielie Tencio." Sabi nung uncle ni Lianne na siyang president namin.
Lumingon ako saglit at nakitang tinignan ni Mr. President si Louielie. "Introduce yourself to them."
"No need. Kilala na naman namin siya." Napatingin ako kay Jin noong nagsalita siya. Nakita kong may tipid na ngiti sa kanya.
"Really?"
"Yes." Sabi ni Jay. "Lalo na si-"
Hindi niya na natapos yung sasabihin niya dapat dahil sabay sabay kaming tumingin ng masama sa kanya, including Lianne. Kaya iniba niya na lang yung sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
Roman d'amourAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...