SC: Louielie's POV Part 1

54 2 2
                                        

"You're doing great, Princess. Kaya mo yan." Mama gave me an assuring smile that she always give me to encourage me to keep on learning. "You told me that you want to learn Drums, right?"

"Yes, Mama. But it's so hard! Hindi ko po abot!" Reklamo ko.

"Oh. You should have told me. Edi sana na-adjust ko kaagad." Galing sa pagkakaupo sa tapat ko ay lumapit siya sa akin. Pumunta siya sa likuran ko at inalalayan ako paalis saglit sa throne na inuupuan ko. In-adjust niya yung throne para bumaba yung upuan at inilapit niya yung drumset na alam niyang maaabot ko. "Here. Tignan mo kung abot mo na."

Inalalayan niya ulit ako paupo sa throne. Inabot ko yung kick sa kanang paa ko at yung pedal sa hi-hat. Mukha naman akong komportable kaya tumingin na ako kay Mama.

"Settled ka na?" Tanong niya. Tumango ako. "Okay. Try the 4-beat double kick."

Ngumuso ako na ikinatawa niya. We've been practicing that for almost 2 hours. Nakakangalay. Pero kahit ganun ay sinubukan ko pa din. And surprisingly, I did it! I even repeat it for 4 times!

"Yehey! Yehey! Yehey!" I keep on chanting dahil sobrang tuwa ko sa achievement na yun.

Narinig kong pumalakpak si Mama at si Ate Kristal na nasa bandang likod at may hawak na gitara. Binitawan niya yun para lang pumalakpak sa akin.

"Ang galing naman ng little princess ko! Good job, good job!" Puri sa akin ni Mama.

Since 8 years old, Mama was teaching me instruments that I wanted to learn. Unang-una talaga akong nagka-interes sa Drums dahil hangang-hanga ako kay Mama noong napanood ko siya. Simula nun ay hindi ko na nalimutan yung itsura ni Mama noon. She looks so passionate in her craft. And then I promised to myself.

I want to be like her.

"I know you can do more than I can. You're very gifted." Isang beses na sinabi niya sa akin noong sinabi kong gusto kong maging katulad niya dahil ang galing galing niya.

"Really? I don't think so! Mama, I can't play properly without you accompanying me."

"Just think of me like I'm with you while you're playing."

"Hindi nagwowork yun. I've been doing that ever since I learned all the instruments that I want to learn."

"Such a baby." Asar niya sa akin.

"I'm still a baby! I'm just 11!" Humiga ako sa hita niya at tumingala. Hinaplos niya naman yung buhok ko kaya napapikit ako.

"Ang ganda mo, Anak." Napadilat ako sa sinabi niya at nakita kong ngumiti siya.

"Thank you, Mama. You too." Sagot ko.

"Of course! Hindi naman ako magugustuhan ng Papa mo kung hindi." Parang nagyayabang siya sa boses niya.

"Too badly, love is blind, Sweet."

Napatingin kami sa nagsalita at nakita naming nakatayo si Papa sa hindi kalayuan. Nakita kong natawa at napailing si Mama at sinenyasan na lumapit si Papa. Sinunod naman kaagad yun ni Papa at umupo siya sa tabi niya. He leaned in to me and kissed my forehead.

"Papa's eavesdropping. This is girl's talk!" Sagot ko.

"That's so unfair! Wala talaga akong kakampi sa inyo! Kapag si Mama mo ang kausap ni Ate Kris mo, bawal din ako. Kapag kayo ng ate mo, bawal din. Parang habang buhay na lang atang mapapanis ang laway ko sa pamilyang to." Reklamo ni Papa.

Natawa si Mama sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Mas malakas kasi ang dugo ko kaysa sayo. Kaya puro babae yung anak natin."

"Tara, gawa pa tayo. Baka sakaling tumumpak na lalaki." Nakangising sagot ni Papa.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon