Kinabukasan ay bumalik kami sa pagpapractice para sa concert pero nung umaga bago ang rehearsal ay pumunta muna kami sa studio para ayusin yung recording nung These Are The Lies. Naiilang pa din ako hanggang ngayon kapag naririnig ko yun, parang ayoko na iparelease. Ngayon ako nakakaramdam ng hiya.
Pero okay na din para malaman niya yung nararamdaman ko at ang gusto kong mangyari. Wala pa din naman akong lakas ng loob na sabihin sa kanya kaya sa kanta muna. Magpapatay malisya na lang ako. Doon naman ako magaling eh.
Saglit lang kami nagrecord dahil napractice na naman dati yun kaya nagpapahinga muna kami dito sa lounge bago bumalik sa concert hall. Kakatapos lang din namin kumain kaya parang na-food coma ata tong mga to at ang tahimik. Nagse-cellphone lang kaming lahat.
"Hanep. Trending pa din si Louielie." Sabi ni Jay at umiiling iling pa.
"Nagulantang ba naman silang may babae tayong myembro eh." Sabi ni Brian.
"Actually, hindi na lang sa pagiging myembro yung pagiging trending niya. Aside from being Donnie's girlfriend, they found out that she is also our producer and an honor student. Pati yung educational achievements niya nakita na din ng fans. Ang lupet." Sabi ni Jin.
"Ayoko nang basahin. Hindi ko alam kung totoo ba tong mga pinagsasasabi nila. Itatanong ko na lang kay Louielie." Sabi ni Jay at tinago na yung phone niya.
"Ano ba sabi?" Tanong ni Phil.
"May mga lumilitaw na kaibigan daw nila si Louielie sa Himalaya I.S. pero sunisiraan siya na sinungaling siya at hindi naman talaga marunong tumugtog. Bully din daw nung kaya napapa-guidance tapos sinasagot yung magulang nung na-bully niya." Sagot ni Jay.
Nung mabanggit yun ni Jay ay lahat sila ay tumingin sa akin, mukhang naghihintay ng confirmation.
"Legit ba? May nakwento bang ganun si Louielie sayo?" Tanong ni Jin.
"Hindi totoo yun. Kabaligtaran nga eh. Hindi niya ba nakwento sa inyo?" Sagot ko.
"Ang nakwento niya lang ay tungkol sa mga kaibigan niyang peke at yung siniraan siya na hindi marunong tumugtog dahil nablangko siya nung audition nila. Yung about sa bullying, wala siyang na-kwento." Sabi ni Brian.
"Siguro, mas okay na sa kanya na lang kayo magpa-kwento. It's her story, not mine. She experienced it first hand. But I assure you na kung ano man yung sinasabi nung nasa twitter ay hindi totoo." Sagot ko.
"Yeah. You have a point. Pero baka magkaroon lang ng open wound sa kanya." Sabi ni Phil.
"I don't think so. Matagal na siyang naka-move on dun. Bago pa maging kami, okay na siya." Sabi ko.
"You seem pretty close, again. Nagkabalikan na ba kayo?" Tanong ni Jin.
Natigilan ako saglit sa tanong ni Jin pero agad akong umiling.
"Akala namin, kayo na ulit. Ang close niyo na ulit eh." Sabi ni Brian.
"Hmm." Umayos ako ng upo at sumandal sa sofa. "We're friends." Simpleng sagot ko.
"Aysus. Friends din kayo bago kayo maging magjowa." Sabi ni Jay.
"Exactly." Sabi ko at ngumisi.
Dahil sa sinabi ko ay lahat sila natigilan at merong samu't saring mga reaksyon.
"What the..." Gulat na sabi ni Phil
"Don't tell me..." Nakangising sabi ni Jin
"Shet! Makikipagbalikan ka?!" Sabi ni Jay na nanlalaki yung mata.
"Yown!" Sabi ni Brian at napasuntok pa sa hangin.
Natatawa ako sa mga reaksyon nila. Hindi ko alam na hindi pala nila inaasahang makikipagbalikan ako. Para silang gulat na gulat sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...