A/N: kinailangan ko pang basahin yung TOWDE: Spin-off para makapagreview yung utak ko paano gumawa ng POV ng lalaking nalilito. Charot.
Maga-upload ako ngayon ng 2 chapters kasi finally tapos na yung PS22 wahahahaha promote lang onti. Hi, Inang! And tapos na din yung Rhythm to my Chaos hahahaha Hi din Nina!
Anyway, enjoy reading!
-----
Sino?
Buong gabing ganyan lang ang nasa isip ko.
Sino? Sino yung gusto niya?
Hindi ako mapakali habang nakahiga sa kama. Kanina pa ako papalit palit ng pwesto ng higa. Sa tuwing gusto kong matulog ay pumapasok sa isip ko yung sinabi ni Lou.
Gusto kong malaman kung sino yung gusto niya. Hindi ko din alam kung anong gagawin ko kung malaman ko kung sino pero gusto ko pa din malaman.
Magiging hipokrito ako kung sasabihin kong hindi na ako umaasa na sana ako yun. Dahil yun ang isa sa mga nagpapagising sa akin ngayon. Nananalangin akong sana ay ako yun.
Pero may parte sa akin na ayaw kong umasa. Biglang hindi pala ako yun. Edi masasaktan na ako agad, wala pa nga.
Pero hindi ba dapat, una pa lang, handa na ako dito?
Pero kung ayaw kong masaktan. Dapat gumawa ako ng paraan. Hindi pwedeng maging martir ako.
Tama. Dapat na akong kumilos. Kung ano man ang mangyari. Bahala na. Simula naman nung inamin ko sa sarili kong may nararamdaman ako sa kanya, hinahanda ko na yung sarili ko sa sakit.
With that thought, kinuha ko yung phone ko at tinignan kung anong oras na. Napahinga ako ng malalim nang makitang 2am na. Ilang oras na akong paikot ikot sa higaan ko.
Pinagsa-walang bahala ko na lang iyon at tinext si Jin.
To: Jin
Bro. Turuan mo nga akong magcompose ng kanta.
Ang plano kong gawing performance task sa project ko kay Sir Red ay magko-compose ako ng kanta pero wala pa akong maisip na concept kaya hindi pa ako nakakapagsimula. Pero ngayon meron na. Marunong naman ako mag-gitara kahit papaano pero hindi lang ako masyadong nagpapractice dun.
Pinilit kong makatulog at hindi naman ako nabigo dahil pagkalipas ng ilang minuto ay nakatulog na ako.
Nagising ako dahil sa boses sa loob ng kwarto ko. Boses yun ni Mommy at may kausap sa phone.
"Oo. Mataas ang lagnat niya ngayon, 'nak. Baka hindi muna siya makapasok."
Mataas lang lagnat? Sinong mataas ang lagnat?
"Hindi ko din alam eh. Sige sige. Pakisabi na lang sa mga teachers niyo, okay? Thank you, Louielie. Bye."
Natapos na yung pag-uusap nila, na narinig ko ay si Lou, kaya lumingon siya sa akin. Ako naman ay tumayo pero bago yun ay nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo ko na parang binibiyak.
Putek. Bakit masakit ang ulo ko?
Pinakiramadaman ko yung sarili ko at naramdaman kong mainit ako pero giniginaw din kaya inangat ko yung kumot ko hanggang leeg.
Putek ulit. Ako yung may lagnat.
"Ang taas ng lagnat mo, Anak. Ano bang ginawa mo kahapon at nagkasakit ka?" Umupo si Mommy sa gilid na kama ko at hinaplos yung buhok ko. Napapikit naman ako dahil sa ginawa niya. "Hindi naman umulan kahapon kaya impusibleng yun ang dahilan."
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
