Chapter 80

69 5 0
                                        

Today is Rhythm's birthday at naghahanda na kami ngayon sa pag-alis. Hihiwalay ako ng sasakyan kila Mommy at Daddy dahil susunduin ko pa si Louielie.

Rhythm's birthday would be a formal party type. Tita Mercy and Tito Lloyd prefer this kind of party dahil para daw debut ito ni Rhythm. I don't know but I think they just did this because they don't have a chance to do it with Melody since pagkagraduate pa lang namin ng high school ay umalis na kaagad siya.

Isang linggo pagkatapos umalis ni Louielie noon ay siyang pag-alis din ni Melody. Minsan nga natatawa ako sa sitwasyon namin ni Phil. Dahil pareho kami ng kinahinatnang kapalaran pag dating sa pag-ibig. Biruin mo yun, halos sabay kaming na-in love at halos sabay di kaming iniwan ng babaeng mahal namin. Ika nga ni Jay ay 'bff goals' daw dahil kahit kailan ay pareho kami ng kinalalagyan.

Triple ang sakit sa akin nung mga panahon na iyon actually. Louielie left, Melody left and my best friend is in pain. Masakit sa akin na wala akong magawa para maging comfort ako ng bawat isa dahil ako nga mismo ay hindi ko ma-comfort ang sarili ko.

Hindi ko alam kung nasaan na si Melody ngayon dahil pinutol niya na din yung ugnayan niya sa aming lahat, except kila Tita Mercy syempre. I tried to get her number pero ayaw niyang ipabigay kahit sinabi kong hindi ko naman ibibigay kay Phil. I just missed my cousin, that's all.

But now that my pain lessened, I think I can finally be a source of comfort to them. Kahit hindi ko alam kung paano.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay nila Louielie. Pinatay ko na yung makina ng kotse at lumabas na. Tumingin tingin muna ako sa paligid dahil baka may media na umaaligid. Nung mapansin kong wala ay agad akong lumapit sa gate at nag-doorbell. Si Manang Celis ang nagbukas ng gate para sa akin at inaya ako pumasok at maghintay sa sala dahil pababa pa lang daw si Louielie.

Naabutan ko sa sala si Tito Louis habang nanonood ng TV. Napalingon siya sa akin noong maramdaman niyang dumating na ako.

"Oh. You're here. Upo ka muna." Sabi ni Tito Louis. Ngumiti lang ako ng tipid at umupo na sa sofa.

Sobrang tahimik namin at pareho kaming hindi nagsasalita sa sala. Alam kong napaka-awkward pero hindi ko na lang masyadong iniinda.

Isa ito sa mga nagbago sa nakalipas na mga taon. Hindi naman ako ganito dati kay Tito Louis. Lagi kaming nakukwentuhan ng mga kung ano-ano dati, pero ngayon, wala na.

I know the reason why. Hindi niya alam kung paano ako kakausapin dahil sa ginawa nilang pag-alis ni Louielie dati. Maybe he feels guilty. But that's fine with me. Tito Louis has nothing to do with our issue. Sa amin na ni Louielie yon, hindi na dapat madamay yung bond namin ni Tito Louis.

"Time really flies so fast. " Sabi niya matapos siyang bumuntong hininga. "Dati, whenever you're here, marami kang baong kwento sa akin. Ngayon parang ayaw mo na magsalita." Huminga ulit siya ng malalim. "This is one of the consequences of my action."

"What do you mean, Tito?" Tanong ko.

"The moment that I agreed to Louielie's decision seven years ago. I know this will happen. Yung tipong hindi ka na kakausap ng kung sinong involve sa mga taong nanakit sayo." Ngumiti siya ng tipid sa akin at nagpatuloy sa pagsasalita. "You're like my son, Donnie. That's why it hurts as well that you're always distancing yourself from me. But I understand why are you like that. I accept it."

Ngumiti din ako sa kanya bago sumagot. "Tito, our bond has nothing to do with my relationship with Louielie. It's a separate thing for me. Even if we're not together anymore, you're still like my second father. You see, you were there before I forgive my Dad. Technically, you stand as my father habang wala si Dad. Walang kinalaman yung relasyon ko kay Louielie sa kung anong pinagsamahan natin."

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon