Chapter 76

52 3 2
                                    

Mabilis ang lakad namin papuntang elevator para umakyat sa lounge. Pareho kaming hindi nagsasalita at parehong may iniisip.

Isa lang naman ang nako-conclude ko, nagleak yung video na yun at marahil nagtataka yung mga fans kung sino yung babae na kasama sa banda namin, eventually they found out that it's Louielie. Kaya siya pinasama sa meeting na to.

Pumasok na kami sa elevator at pinindot ang 10th floor dahil sa lounge kami mag-uusap-usap. Pagkapasok dun ay wala pa ring nagsasalita sa amin. Hindi kami magkalayo sa isa't isa pero hindi din sobrang lapit. Nakahalukipkip lang ako habang nakasandal sa handle ng elevator at nakatitig kay Louielie. Malalim ang iniisip niya at parang hindi siya matitinag pero nung maramdaman niya ang titig ko ay nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin.

"Bakit?" Sabi niya. "May kailangan ka?"

Umiling ako. "Wala lang. Ang ganda mo lang." Wala sa sariling sabi ko.

Saka ko lang narealize yung sinabi ko nung nakita kong nanlaki yung mata niya.

"H-ha?"

"Ha?" Balik na tanong ko dahil para naging blangko yung utak ko bigla.

Bungol ka talaga, Donnie!

Bumukas yung elevator noong nasa 2nd floor na kami at maraming empleyado ang pumasok kaya agad kong hinila si Louielie palapit sa akin para hindi gaanong maipit. Ipinuwesto ko siya sa kabilang gilid ko para masangga ko kaagad kung maipit siya. May mga tumingin na empleyado sa amin at binati ako. Nginitian ko lang sila bilang pag-acknowledge. Binati din nila si Louielie at ngumiti lang din siya sa kanila.

Sa 4th floor bumaba yung mga empleyado pero may mga pumalit naman sa kanilang iilang trainees ng Kingston. Binati din nila kami pero hindi sila nakuntento sa ngiti lang dahil nagtanong pa sila.

"Ikaw po si Louielie Tencio diba?" Tanong nung isang medyo bata pa na babaeng trainee.

"Ah.. oo. Ako nga. Paano mo nalaman?" Sabi ni Louielie.

"Trending po kayo sa Twitter. Hindi niyo pa po ba nachi-check?"

"Ha?!" Sabi niya at agad na kinuha yung phone niya. Nakita kong pumunta siya sa Twitter at tinignan agad yung trending. No. 3 trending sa Philippines ang pangalan niya.

"Nakita niyo po?" Tanong ulit nung trainee na hindi ko alam ang pangalan. "Ang cute po ng usapan niyo sa IG." Sabi niya at parang kinilig pa.

Nagkatinginan kami ni Louielie. Nakangisi ako habang siya ay hindi maipinta ang mukha, mukhang kinakabahan sa mga mangyayari.

"Hey." Tawag pansin ko doon sa bata.

"Po?"

"Bagay ba kami?" Tanong ko doon. Naisipan ko lang asarin si Louielie.

"Definitely, yes po!" Sabi niya at nagthumbs up pa. Tinawanan siya nung ibang kasama niya at napailing pa sa kanya. Narinig ko pang sinabi nung isa na 'fangirl talaga'.

"Okay. Salamat!" Sabi ko at nagthumbs up din.

Sa 8th floor bumaba yung mga trainee, nagpaalam pa sa amin bago umalis. Nung kami na lang ni Louielie ang naiwan ay agad siyang pasinghal na nagsalita.

"Wala ka bang takot sa career mo, ha? Kanina ka pa." Humalukipkip pa siya sa harap ko.

"What? Wala akong ginagawa." Inosenteng sabi ko.

"Wala? Talaga lang ha! Ako dito, kabang kaba na dahil baka maging dahilan pa ako ng pangbabash sa inyo ng tao, tapos ikaw, chill lang?"

Tumawa ako ng mahina at tinapik tapik yung ulo niya. "Magrelax ka nga. Papangit ka niyan, sige ka."

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon