"So, ready na ba kayo sa project niyo? May nasimulan na ba?" tanong sa amin ni Sir Red after ng discussion namin sa kanya.
Walang sumagot sa kanya kaya naman natawa siya ng onti sa amin at napailing.
Last week ay inannounce niya sa amin kung ano yung project niya para sa amin. A performance task where you will show you own form of art. It's either you play a song, you show your art work, or you perform. Kahit ano basta art.
As for me, I have decided na sumubok ng isang bagay na hindi ko pa nasusubukan. Hindi ko kasi alam kung kaya ko ba o kaya minsan ay tinatamad ako dahil wala akong makunan ng inspirasyon para magawa iyon.
Pero ngayon, meron na.
Tumingin ako sa pwesto kung nasaan si Lou. Lately napapansin ko sa sarili ko na mas madalas akong napapatingin sa kanya. And I am more aware of her presence everytime na kasama namin siya. Mas lalo ko din siyang gustong kausap at kasama. I always have this urge of taking really good care of her.
Ganito ba talaga kapag may gusto ka sa isang tao?
Tuwing pinapakiramdaman ko yung sarili tuwing nandyan siya sa tabi ko o kausap ko siya, dati ay nagtataka pa ako kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, pero ngayon, napapangiti na lang ako dahil sa bilis non na parang nakikipagkarera. Mas natutuwa ako.
Isn't it ironic? Na kahit kinakapos ako ng hininga, masaya pa din ako? Mukhang mamamatay ata ako ng maligaya ah.
Nagmumuni muni pa ako nang makaramdam ako ng kalabit sa tabi ko, nang lingunin ko ay si Jin pala.
"Nagstay pa ba kayo sa bahay nila Louielie kagabi?" tanong niya.
Tumango naman ako. "Oo. Doon kami nagdinner dahil niyaya kami ni Tito Louis."
Lumapit siya sa akin ng bahagya. "Ano nangyari? Nasermonan si Sir Red?" bulong niya.
Napakunot yung noo ko dahil sa sinabi niya. "Kailan ka pa naging tsismoso?"
Tumawa naman siya dahil sa tanong ko. "Eh kasi naman, nagulat talaga ako doon sa kahapon kaya nacurious ako."
"Hindi naman ako masyadong nakinig eh. Wala naman akong kinalaman doon."
"Eh anong ginawa mo dun?"
"Hmm. After dinner, nagpunta kami ni Lou sa recording studio niya."
"Recording studio?!" biglang sigaw ni Jin, at hindi lang yun, ganun din si Jay na hindi ko alam ay nakikinig pala sa amin at yung dalawa naman sa harap namin na si Phil at Brian ay napalingon din sa amin.
Ang pagsigaw ni Jin at Jay ay nakakuha ng atensyon ng karamihan sa room, kabilang na doon ang mga nasa harap. Mabuti na lang at tapos na yung discussion kundi yare silang dalawa.
Madaming nakatingin sa pwesto namin kaya naman ako na lang ang nahiya sa kanila.
"May recording studio si Louielie sa bahay nila?" namamanghang tanong ni Jay.
"Oo. Meron." sagot ko.
Nagulat ako nung biglang tumayo si Jay at Brian. Pareho sila ng pinuntahang direksyon. At yun ay ang upuan ni Lou.
"Anong problema nung dalawang yun?" tanong ni Phil.
Nagkibit balikat ako habang nakatingin pa din sa dalawa na nakatayo sa harap ni Lou at parang nagmamakaawa.
Lalo akong nagtaka nang tumakbo si Lou papunta sa pwesto namin at nagtago sa likod ng upuan ko.
"Send help, Don! Inaatake ako ng mga zombie." sabi niya nang nandun na siya.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
