SC: Louielie's POV Part 7

20 3 0
                                    

"Louie? Hello? Louie?"

Napakurap-kurap ako noong may makita akong kamay na kumakaway sa harap ng mukha ko. Napatingin ako sa may-ari ng kamay at nakitang si Tito Kristian pala yon, kapatid siya ni Mama na dito na nakatira sa U.S. dahil nandito yung ospital na pinamana sa kanya dahil siya lang ang nagdoktor sa pamilya nila. May onting pag-aalala sa mukha niya pero inoobserbahan niya din ako.

"I've been calling your name a few times already." Dagdag niya.

"I'm sorry po." Huminga ako ng malalim at pumikit. Sumandal ako sa backrest ng sofa.

Nandito ako ngayon sa office niya sa ospital na pagmamay-ari din niya. Dito muna ako tumambay dahil may check-up ako mamayang hapon. Umaga pa lang naman kaya wala pa akong ginagawa.

It's been almost 4 months since I left the Philippines. Parang kahapon lang simula nung makalapag ang eroplano na sinasakyan namin ni Papa dito. Parang kailan lang simula nung marinig ko yung usapan ni Papa at Tito Daniel sa phone.

Nakauwi na kami ni Papa sa bahay namin dito sa U.S. at naka ayos na din yung gamit. Medyo may jetlag pa pero hindi naman ako makatulog. Kahit sa eroplano ay nakatulala lang ako.

Naabutan ko non si Papa sa kusina at nakalapag ang cellphone niya sa kitchen counter. Rinig ko yung boses ng kausap niya sa phone dahil nakaloud speaker yon.

"Louis? Nasan ka?"

Bumilis yung tibok ng puso ko at para akong kinabahan nung marinig ko yung boses ni Tito Daniel.

"Wala ako sa bahay." Sagot ni Papa at uminom sa baso niya.

"Kasama mo ba si Louielie?"

"Yeah. She's with me.

"Nasan kayo?"

Huminga muna ng malalim si Papa bago sumagot. "Nasa U.S. kami."

"What the hell?! Bakit kayo nandyan?! Alam ba ni Donnie na kasama mo si Louielie? Kanina pa namin tinatawagan si Donnie. Hindi niya sinasagot yung phone niya."

Nagitla ako sa lakas ng boses ni Tito kahit nasa phone lang. Feeling ko galit siya. Obvious naman na magagalit siya sa ginawa ko.

Pero parang nilamutak yung puso ko sa narinig kong sinabi niya. Hindi sinasagot ni Don yung phone niya.

Nasan siya? Okay lang ba siya?

"Hindi niya alam na nandito kami." Walang emosyon si Papa habang kausap si Tito o baka nagpipigil lang din ng galit. Papa is always calm and collected most of the time. He usually avoid conflicts.

"He doesn't know?! Tangina, Louis! Ano yon?! Umalis kayo ng hindi sinasabi kay Donnie?! Ano sa tingin mo ang mararamdaman nung anak ko dahil bigla siyang iniwan?! Pucha! Ginawa ko na yun sa kanya eh! Inulit niyo pa?!"

Mabilis na namuo yung luha ko nung marinig ko yun. Napatakip ako sa bibig ko para hindi makalikha ng ingay sa pag-iyak ko.

Shet ka, Louielie... Bakit mo kinalimutan yung bagay na yun? Bakit mo kinalimutang naiwan na pala dati si Don? Bakit mo nakalimutan na hindi naging maganda ang epekto nun sa kanya?

Napakabobo mo.

"It's my daughter's decision. I don't have a heart to reject her request. I know you'll understand me because you're a father, too. That's how I raise my children." Sagot ni Papa na lalong nakapagpaiyak sa akin.

Nag-aaway sila ni Tito Louis ng dahil sa akin.

Did I just made everything worst?

"Wala akong karapatang kwestyunin yung pagpapalaki mo, Louis. Pero bakit niyo naman ginawa yun? Bakit niyo inulit yung ginawa kong pag-aabanduna? Binuksan niyo ulit yung sugat niya eh!" Rinig ko sa boses ni Tito Daniel ang frustration niya sa ginawa ko.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon