"Hindi sa nanghihimasok ako, but I think you should say sorry to her." Sabi ni Phil sa akin habang nandito kami sa rooftop.
Matapos nung sagutan namin ni Louielie at masabi kung anong kanta ang napili ko ay umalis muna ako sa studio para magpalamig ng ulo. Alam kong may susunod sa akin sa roof top. At hindi nga ako nagkamali.
"Why should I? Ako ba ang may kasalanan? Diba siya? Did she say sorry to me?" Mahinang sabi ko at tumanaw sa malayo. Hindi ko ma-appreciate ang paligid dahil bukod sa nararamdaman kong galit ay maliwanag pa kasi.
"What you said earlier, it's still offensive on her part. What if she has reasons back then? Ikaw ang mapapahiya."
"Then she should tell me her reasons why she did that. Wala kaming problema at masaya kami bago kami maghiwalay nung gabing yon."
"Maybe she still doesn't have a courage to talk to you about that matter. Give her time. At kapag nangyari yun, tell her your thoughts as well." Sabi niya at nagulat ako dahil binatukan niya ako ng mahina. "At yung mga kantang sinulat mo! Kanina pa kita gustong batukan. Why are you so insensitive?"
"What do you want me to do? Lie? That's how I feel! At ginawa ko na yun bago pa siya bumalik. Ako pa mag-aadjust?"
Tinignan niya ako at napailing-iling. "You're that mad? That you forgot how to be considerate to her feelings?"
"Did she even consider my feelings?"
Pinaningkitan niya ako ng mata. "You're taking revenge." It's not a question, it's a statement.
Umiwas ako tingin bago sumagot. "No."
"Donnie." There's a warning on his voice.
"Okay!" Pagsuko ko. "It's not really a revenge. But I just want to make her feel what I felt when she left."
"It's still revenge, Idiot." Huminga siya ng malalim na parang sumasakit yung ulo niya sa akin. "Tandaan mo tong araw na to at yung sasabihin ko." Dinuro niya ako. "Sasapakin kita kapag yang ginagawa mo, nagback fire sayo."
"I'm not doing anything." Inosenteng sagot ko.
"Yeah, sure." Sarkastiko niyang sagot at tumingin sa phone niya. "Hinahanap na tayo ni Jin. Tara bumalik na tayo."
Nang makabalik kami sa studio ay wala na si Sir Jake. Si Louielie at si Mark na lang ang nasa control room dahil nasa live room na si Jin, Jay at Brian.
Agad akong pumasok doon nang hindi pinapansin yung mga tao sa control room at dumiretso sa Drums. Nang mapadako yung tingin ko kay Jin ay nakita kong nakatingin siya ng mariin sa akin.
"Mag-uusap tayo mamaya." Sabi niya. Hindi siya mukhang galit kaya hindi ako kinabahan. Alam kong mahinahon niya ako kakausapin. Nagkibit balikat lang ako at sinuot yung head phones ko.
"Sound check muna kayo." Narinig kong sabi ni Louielie sa headphones.
This feels deja vu. Ganito din ang sitwasyon namin noong highschool na nagpapractice kami for BOTB.
Nagkatinginan kaming lahat na nasa live room at sabay-sabay na natawa ng mahina. We have all the same thought in our mind.
"Pakiramdam ko, bumalik ako ng highschool." Sabi ni Jay sa mic kaya rinig namin sa headphones.
Nakita kong natawa si Louielie sa control room. "Gusto niyo ba?" Sabi niya sa masiglang boses, na parang walang nangyaring sagutan kanina.
"Na ano?" Tanong ni Brian.
"Kunwari highschool ulit tayo. Tapos ang ipangsa-sound check niyo, Tambay part 2." Nakangising sabi niya.
Sabay-sabay silang tumingin sa akin, nagtatanong kung okay lang. Nagkibit balikat lang ako at nagsimula nang magbilang. Naaalala ko pa naman yung kanta eh.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...