Chapter 92

69 4 0
                                    

A/N: the LEGIT hahaha
----

Nakakagat ako sa hinlalaki ko habang seryosong nagbabasa ng article sa laptop ko. Kanina pa akong umaga nagbabasa ng mga iba't ibang articles patungkol sa sakit ni Louielie. At sa lahat ng nababasa ko ay isa lang ang masasabi ko. Ang hirap ng may ganitong sakit.

It is weird to have a tunnel-like vision. Kaya para kang bulag pero hindi pa. Babangga ka sa kung saan dahil hindi mo makita yung gilid mo, pwede ka pang mapahamak. In normal vision, nakikita mo yung nasa gilid mo kahit hindi ka lumingon o kahit hindi mo tignan. But in RP, you can only see the center of your vision, but in some condition, nauunang mawala yung center vision nila which is the most difficult category ng mga may RP.

Tama nga yung sinabi ni Lou, wala pa ngang lunas para mawala yung RP. Pero maraming paraan para mapabagal yung vision loss. Gaya ng Gene Therapy, Stem Cell Treatment, Serum Treatment, Vascular Surgery, Traditional Chinese Medicine, Natural Herbal Supplementation at kung ano ano pa. Sa lagpas sampung articles na nabasa ko na nagsa-suggest ng treatment, yan ang madalas nilang sinasabi na mabisang pampabagal ng pagkabulag ng may RP.

Ayon sa sinabi ni Louielie, Stem Cell Treatment ang gagawin sa kanya pero kailangan pa talaga ng bagong Retina Cells kaya hindi pa magawa yung procedure sa kanya.

Hindi pa ganon kalala yung kay Louielie dahil hindi pa tuluyang nawawala yung paningin niya. May iniinom din siyang gamot na prescribed ng doktor niya para bumagal yung pagkadilim ng paningin niya. Ang kaso nga lang ay kapag iniinom niya yun, after 15 minutes lang ay tulog na kaagad siya. Kaya pala noong mga panahong hindi ko pa alam yung sakit niya ay madalas siyang tulog dahil umiinom pala siya ng gamot na yun. Kahit nung highschool pa lang kami na bigla-bigla siyang nakakatulog after kumain. Pasimple pala siyang umiinom ng gamot nun. Sinasabi niya lang na vitamins para hindi kami maghinala. Pero nakakapanghinala pa rin dahil wala pa akong nakikitang nakakatulog sa vitamins.

Sabi niya din sa akin ay medyo color blind na siya. Minsan ay hindi niya na ma-diffirentiate yung mga kulay. Gaya na lang daw nung nagpakulay siya. Akala niya daw ay ang kulay ng Copper Red ay medyo dark pero noong nakita daw ni Tito Louis yung kulay ng buhok niya ay sinabihan siya na parang tanso yung kulay. Hindi niya daw masyadong naaninag yung shade kaya ganun yung kinalabasan.

Two weeks had passed since Louielie and I got back together. Sa dalawang linggo na yun ay wala akong ginawa kundi ang bumawi sa kanya. Binabawi ko yung pitong taon na hindi kami magkasama. Kahit busy man kami pareho sa trabaho ay hindi ko pa din hinahayaan na mawalan ako ng pagkakataon na tanungin kung ayos lang ba siya. Mabuti na nga lamg din ay kasama ko siya sa trabaho, nakakausap ko siya ng walang hirap at nakikita ko kung ano yung ginagawa niya. Minsan ay naaawa ako dahil bigla na lang siyang bumubunggo sa gilid niya. Mga ilang beses na nangyari yun. Isang beses nga ay bumangga yung ulo niya sa pinto ng lounge noong lumingon siya patalikod, kaya naman simula nun ay hindi ko na siya hinayaan na mag-isa tuwing may pupuntahan siya. Wala akong paki kung sabihan ako ng iba na clingy at ayaw humiwalay kay Louielie kahit saan siya magpunta, nag-aalala ako na baka kung ano pa yung mangyari sa kanya na maliban sa pabunggo-bunggo.

Noong isang linggo ko lang din nabalitaan yung tungkol kay Mark. Tinanggal na siya sa Kingston at blacklisted na din siya sa kahit anong entertainment agency at record label. Sinabihan ni Lianne na magsampa ng kaso si Louielie laban kay Mark, pero dahil likas na mabait yung babaeng mahal ko, hindi na niya ginawa. Ang mahalaga sa kanya ay makalayo sa kanya si Mark, yun lang ang mahalaga. Kaya naman ay lalo akong nagdesisyon na hindi ko siya iiwan at sasamahan ko siya kahit saan siya magpunta dahil baka umaligid sa kanya sa paligid yung lokong yun.

Naputol ang pagbabasa ko sa laptop ko nung tumunog yung phone ko. Nilingon ko yun at napangiti nung makita ko kung sino ang tumatawag.

"Good morning, beautiful!" Bati ko kay Louielie.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon