Chapter 87

68 5 2
                                        

It's been a week since our concert happened. Buong linggo kaming walang ginawang kahit na anong projects at schedule. Mabuti na lang dahil sa nakalipas na isang linggo na yun ay may sakit ako at nasa bahay lang. Sa sobrang inis sa akin ni Mommy ay sinabihan niya akong grounded ako. Tinawanan ko lang naman siya nung sinabi niya yun dahil alam kong biro niya lang yun. Pero tinotoo niya. Isang linggo niya akong hindi pinagamit ng phone para makapagpahinga ako ng maayos dahil sa pagod sa nagdaang mga buwan.

"Isang linggo kang huwag gumamit ng cellphone! Magpahinga ka. Alam kong pagod ka, physically at emotionally."

Yan yung eksakto niyang sinabi sa akin. Hindi na lang ako umangal dahil gusto ko naman din talaga magpahinga. Natawa lang ako dahil hindi ako makapaniwalang sa edad kong ito, saka pa ako na-grounded.

Isang linggo na din ang lumipas simula nung huli kong makita si Louielie. Pagkatapos ng pag-uusap namin na yun ay nagpatuloy lang siya sa pagkain na parang wala siyang sinabing nakakapagdagdag sa curiousity ko sa kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya umalis.

Sa kakatitig ko sa kanya nun ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nung magising ako ay hapon na at wala na doon si Louielie. Hindi ko alam kung nagtext ba siya sa akin nun dahil noong hinanap ko yung phone ko nun ay siya namang pasok ni Mommy sa kwarto ko at sinabi sa akin ang 'kagimbal-gimabal' niyang parusa sa paglalasing ko. At yun ay i-grounded niya ako.

Nandito ako sa kwarto ko ngayon at nakahilata lang dahil wala naman akong maisip na gawin ngayong araw. Bukas pa ako pupunta sa Kingston dahil pag-uusapan namin iri-release naming kanta next 2 months.

Narinig kong may mahinang katok sa pinto ko. Napangiti ako nung ma-realize ko kung kaninong katok yun. Medyo nasa bandang baba ng pinto at medyo maliit yung kamay ng katok. Alam ko na kung sino.

"Pasok!" Sigaw ko at agad naman yon bumukas. Lalo akong napangiti noong makita kong nakatip toe pa siya sa pagbukas at dalawang kamay niya ang gamit niya. She's so cute. "Anong ganap, Madam?"

Lumapit siya sa kama ko. "Baby sister nga, Kuya!" Singhal niya at umakyat sa kama para tumabi sa akin. "Here. Mommy told me to give this to you." Sabi niya at inabot sa akin yung phone ko.

Ngumiti ako at kinuha yun. "Thank you, Baby."

"You're welcome, Kuya." Sabi niya at humiga sa tabi ko at umunan sa braso ko.

Binuksan ko yung phone ko gamit yung password at tinignan yung mga messages ko. Sobrang dami nun at hindi ko alam kung anong unang babasahin ko pero nung nakita kong may message si Louielie ay agad kong binuksan yun.

Para akong ewan. Ilang beses na akong sinaktan, para pa din akong habol na habol. Pero mahal ko eh.

Bubuksan ko na sana yung messages niya pero biglang nagsalita si Julia.

"Kuya, may tanong ako."

"What is it?" Tanong ko at tumingin sa kanya.

"What's with 1-0-2-2?" Tanong niya.

1-0-2-2 is my phone's password. Alam niya yun dahil sinabi ko sa kanya yun para hindi niya na ako gigisingin kung manghihiram siya ng phone ko.

"That's my password, right?" Sabi ko.

"Yeah. But why 1-0-2-2? What's with that numbers?"

"Bakit mo natanong?"

"Because that's also Ate Louielie's phone password."

Dahil sa pagkabigla ko ay nabitawan ko yung phone ko. Pero hindi sa akin nalaglag yun, kundi sa mukha ni Julia.

"Aray!" Napatakip siya sa mukha niya at agad na umiyak ng malakas.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon