Chapter 6

126 3 0
                                        

"Bukas, magkakaroon ng Welcoming Event dito sa school. Every first Friday of the first week of class nangyayari 'yun kaya half day lang tayo bukas para sa preparation. 3pm magsisimula 'yung event." kwento sa kanya ni Jin.

"Hmm. Nabanggit nga ni Ate- Ay! Ni Ma'am Kristal pala. Bawal ko pala siyang tawaging ate 'pag nasa school." napangiwi naman siya dahil sa pagkakamali.

"Okay lang naman sa amin na tawagin mo siyang ate pag kasama mo kami." sabi ko para naman hindi siya mahirapan mag adjust.

"Talaga? Hindi niyo ako isusumbong sa kanya?" sagot niya

"Hindi. Pero gagawin na lang namin na pang black mail 'yun." sabi ko at tumawa

"Sige! Sasabihin ko sa kanya ibagsak ka!" banta niya sa akin.

Nagtawanan naman 'yung apat kaya naman napangiwi ako. Ayoko bumagsak. Yare ako kay Mommy.

"Ow! Mas malakas siya sayo, Donnie! Ano? Rebat! Rebat!" sabi ni Brian at humagalpak ng tawa.

"Sabi ko nga eh, hindi na."

"Joke lang, Don. Di ako gano'n kababaw, 'no." sabi niya at tinapik tapik yung balikat ko.

Nagkibit balikat na lang ako. Kunwari hindi naapektuhan sa tapik niya. Wooh!

"Ano pa 'yung mga mangyayari bukas sa event?" tanong niya ulit kila Jin

"Parang orientation na rin ang mangyayaring 'yun. Ang kaibahan lang ay orientation lang 'yun ng mga clubs. Magpo-perform 'yung mga performing clubs and may mga booths naman para sa mga non-performing clubs."

"Ano-ano 'yung mga performing clubs?"

"Music Club, which is kabilang kami doon, Drama Club, Dance Club, Choir and Orchestra, at Lire Band. Ikaw ba, may naiisipan ka na bang salihan na club?"

"Hmm. Pwede bang dalawa? Kasi gusto kong sumali ng Drama Club pero as sound tech or musical scorer lang. Tapos gusto ko ding sa Music Club. Syempre para magamit ko din 'yung hilig ko."

"Hmm. Pwede naman 'yun. Ang kaso lang dun ay kung kakayanin ba ng oras mo? Kasi ang alam ko lang na pwedeng pagsabayin ay 'yung performing at non-performing clubs." sagot ni Brian.

"Hmm. Nakakaboring kasi sa non-performing clubs. Gusto ko kasi 'yung kumikilos ako at nagagamit ko 'yung hilig ko."

"Halata ko nga. Para kang kiti-kiti na kilos ng kilos sa upuan mo." sagot ko sa kanya.

Inirapan niya lang ako at nagpatuloy na ulit sila sa pagkukwentuhan.

Nang mag-time na ay bumalik na kami sa room ng sabay-sabay. Habang naglalakad kami ay may mga bumabati sa amin pero napapatingin din sila kay Louielie at biglang magbubulungan.

"Ang dami pa lang nakakakilala sa inyo dito, 'no? Ang daming bumabati eh." sabi niya sa akin dahil katabi ko siya habang naglalakad kami.

"Hmm. Sakto lang. Kasi nga diba nagpo-perform kami dito."

"Sabagay." tumango-tango naman at lumingon sa siya sakin. "Ilang taon ka no'ng natututong mag-drums?"

"13 years old."

"Ahh. Ilang taon ka na ngayon?"

"16."

"Talaga? Pareho tayo! Kailan birthday mo?"

"July 05."

"Ay, isang buwan lang tanda mo sa akin. August 05 ako, eh."

Alam ko.

"Medyo may pagkadaldal ka, 'no?" puna ko sa kanya.

Napatigil naman siya sa paglalakad kaya napahinto din ako. "Ah, masama ba? I mean, nakakairita ba? Pasensiya na. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kausap ng ganito katagal, eh."

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon