Chapter 54

40 2 0
                                        

"Mom, pasok na po ako sa school." Paalam ko kay Mommy na nakaupo sa sala at nanonood ng TV.

"Where's your Dad?" Tanong nito.

"Nasa kusina po. Nagliligpit."

"Okay. Ingat ka, ha? Love you, Baby." Sabi ni Mommy at hinalikan ako sa noo.

"Love you too, Mom." Hinalikan ko siya sa pisngi. Umuklo ako para halikan yung tyan niya na ikinatawa ni Mommy. "Love you, Bunso."

My Mom is 3 months pregnant. Naaalala ko pa kung paano lumambot yung tuhod ko at muntik pa akong mabuwal sa pagkakatayo nung pinakita nila sa akin yung pregnancy test noong Pasko. Pinagtawanan nila ako nun. Hindi ba pwedeng sobrang nagulat lang ako kasi nabuntis pa si Mommy? As far as I know, she's 43 years old. Ang layo pa ng agwat namin ng magiging kapatid ko. Baka kapag magkasama kami, mapagkamalan na anak ko siya. But nevermind, I'll still spoil my younger sibling, lalaki man o babae. And I am more than happy dahil gustong gusto ko talagang magkaroon ng kapatid.

Hindi lang si Mommy at Daddy ang tumawa sa reaksyon ko. Noong kinuwento ko din sa Marahuyo yung eksenang yun ay grabe na din sila makatawa. It was 2 months ago pero hanggang ngayon hindi pa din sila makarecover.

Simula nung January, hindi na pinagtrabaho ni Daddy si Mommy dahil maselan yung pagbubuntis niya. Kailangan niya ng bed rest para hindi mapahamak yung baby. Si Daddy, weekends lang pumapasok sa trabaho niya dahil ako naman ang nagbabantay kay Mommy. Daddy's spoiling her which is gustong gusto din naman ni Mommy. And their relationship? It becomes stronger and stronger. Bumabawi ata sila sa almost 7 years na hindi sila nagkasama. Minsan kapag nakikita ko silang sobrang sweet, nagiging bitter ako bigla kahit may girlfriend ako.

Speaking of girlfriend. Lou is beautiful as ever. And my feelings for her goes deeper and deeper each passing day. Tinutupad namin yung mga pangako na binanggit namin noong nandun kami sa cafe. Kaya ngayon, mas lalo kaming naging close.

It's February. Ilang buwan na lang ay gagraduate na kami. Papasok na kami sa isa na namang stage ng buhay namin na iba sa kinasanayan namin. Malapit na kami magcollege and I can't wait to experience it.

Nakapag-inquire na kami sa university na papasukan namin last November pa. Sa iisang university lang kami papasok dahil lahat naman ng course na gusto namin ay nandoon. Lou, Jin, Phil and Brian would take up Music Production, si Jay sa Performing Arts and ako naman ay Business Management. Nakakatawa kasi ako yung napalayo ng field pero para kay Mommy naman yun, at syempre para na rin kay Daddy. Medyo matagal pa bago mapamanahan yung ipinagbubuntis ni Mommy kaya ako muna ang sasalo.

Habang naglalakad papunta sa bahay nila Lou para sunduin siya ay kausap ko din siya sa text.

From: My Lou

Kakatapos ko lang magbihis. Nakakaloka ka ang aga mo.

To: My Lou

Sakto lang ah. 7:15am.

From: My Lou

Lah. 7:30 ka kaya pumupunta dito.

Natatawa na lang ako sa pagrarason niya. Na-late kasi siya ng gising kaya nagmamadali siya ngayon. Usually, nauuna siya sa akin magprepare para sa pagpasok eh.

Nakarating na ako sa bahay nila at nagdoorbell na. Si Manang Celis ang nagbukas sa akin ng gate at nagsama sa akin papuntang dining area.

"Good morning po." Bati ko kay Tito Louis na nagkakape habang may tinitignan sa cellphone niya.

"Good morning din. How's your Mom?" Tanong ni Tito matapos kong nagmano.

"Ayun po, spoiled kay Daddy." Natatawang sabi ko kaya tumawa na din siya.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon