A/N: disclaimer lang po.
RP or Retinitis Pigmentosa is not a fiction. It is a legit degenerative eye disorder, meaning genetic o namamana. Yung mga pinagsasasabi ko dito sa BBTP na infos about RP is based on my research (including sa description, categories and treatment) but the efficacy of the treatment, it is based on my imagination na since wala pa akong nabasa na example na talagang nabalik yung vision nila.
Pero the sad part is, wala talagang gamot dito SO FAR.
So if you know someone who has RP or any kind of incurable disease, lagi niyo silang suportahan.
Yun lang. Tenchu berimats.
----
One week, three days and five hours without Louielie was hellish. Yes, bilang na bilang ko. Yun lang ata ang ginawa ko sa buong linggo na yan sa tuwing namimiss ko si Louielie, ang bilangin ang araw at oras na wala siya sa tabi ko.Madalas ko siyang kausap pero either patulog na siya o patulog na ako. Magkukwentuhan lang kami ng mga nangyari sa buhay namin sa araw na yun and our phone would always end up with 'I miss you. I want to see you' lines. Hindi kami nagsasawa pareho na sabihin yan everytime na magkausap kami.
Kinuwento niya din sa akin yung nangyaring check up sa kanya nung doktor niya. Her doctor said that her condition is one of the rare stage of RP wherein, maagang sumuko yung retina cells niya in no time. This maybe caused by stress and eye strain but according to him, hindi ganun ang nangyari kay Lou. Kusang sumuko yung retina niya dahilan para tuluyan siyang mabulag.
Rare to kasi sabi ng doktor at based din sa nabasa ko, usually, people with RP will be completely blind at the age of 40 and up. But in some cases, kahit late 20s, nagkakaroon na din ng total vision lost, which what happens to Lou.
Habang kinukwento niya yung check up nila ay mas lalo akong nagkaroon ng kagustuhan na puntahan siya sa U.S. at yakapin siya ng mahigpit para ma-comfort siya. Hindi niya man pinapahalata pero alam kong frustrated siya nung nalaman niya yun.
But the good news is, it is really true that there is already a retina cells waiting for her. Good match daw sabi ng doktor kaya napagaan nung yung loob ni Lou. They already scheduled a procedure to Lou next month. Kaya daw ganun ay para i-handa at i-kondisyon yung katawan ni Lou bago gawin yung procedure.
Rinig ko sa boses niya na masaya siya dahil nakwento niya sa akin yung mga pangyayari noong panahon na naghihintay sila ng retina cells para sa kanya. Sobrang frustrated siya sa tuwing sinasabi sa kanila na hindi compatible sa kanya yung cells o kaya naman ay walang available. Pero ngayong meron na, alam kong nagbunga yung paghihintay niya kahit muntik na siya sumuko kaya sobrang saya niya.
I want to go to her, to celebrate with her. Pero hindi pa pwede dahil marami pa akong tinatapos dito including sa banda, other projects, photo shoots, guestings, and sa company.
Sa buong linggo na yun, meron akong appointments at pakiramdam ko ay tumapos ako ng gawain para sa isang buwan sa loob lang ng halos dalawang linggo. Nakakapagod.
Gaya na lang ngayon, sakay ng van ay pupunta kami ngayon sa isang TV network dahil magkakaroon kami ng live stream show. Ipapalabas yun sa Facebook live and other streaming platforms.
"Ang lalim ng iniisip. Ang sarap sisirin." Narinig kong sabi ni Jay.
"Gago. Dagat sisirin mo, huwag yung iniisip ko. Huwag ka na ding umahon."
"Loko! Ang bastos ng bibig! I-spray ko yan ng alcohol!" Sagot niya at akmang iispray-an nga ako pero nagsalita ako.
"Sige. Make sure beer yung alcohol na yan ah." Walang gana kong sagot.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
Любовные романыAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...