"May nasagap akong balita!" Narinig kong sabi ni Jin. "Dahil ang ating drummer ay kasalukuyang ipinapahinga yung binti niya, hindi muna siya makakatugtog ng ilang minuto." Sabi niya at narinig kong parang nalungkot yung audience.
Habang nakikinig kila Jin ay kausap ko sa phone si Mommy. "Mom, I'm fine. Kalahating oras daw muna akong kailangan magpahinga."
"Ano? Eh anong mangyayari sa concert niyo? Sinong tutugtog ng Drums? Ano to? 30 minutes dadaldal sila Jin para malibang yung audience?" Sabi niya kaya natawa ako ng mahina.
"No, Mom. Si Louielie muna sasalo sa akin." Sagot ko.
"Sinalo ka na ni Louielie diba?" Sabi ni Mommy. Nung una ay hindi ko naintindihan pero noong tumawa siya ay na-gets ko na.
"Not funny, Mom." Sabi ko at lalo siyang tumawa.
"I'm not joking. Anyways, is it okay with her?"
"Of course not. But we don't have a choice. Sinong papalit sa akin pansamantala?"
"Yeah. Tama ka nga. Anyway, make sure you're okay there, ha? Kapag hindi, pupuntahan na kita dyan."
"I'm okay, Mom."
"Okay, ibababa ko na to. Papanoorin ko pa si Louielie tumugtog." Sabi niya at tumawa bago ibaba yung tawag.
Napailing na lang ako sa ginawa niya. Inatake na naman ata si Mommy ng pagkawirdo.
Bumalik ang atensyon ko sa pakikinig sa nangyayari sa concert.
"Huwag kayong malungkot!" Sabi ni Brian. "Dahil may sasalo naman sa kanya pansamantala ngayon. Nasalo na siya nito, 7 years ago pa." Pahabol niya saka tumawa.
Nanlaki yung mata ko at parang gusto kong sugudin bigla si Brian. Loko loko talaga!
"Hoy! Issue ka!" Natatawang sabi ni Jin.
Dahil sa sinabi ni Brian, nagtilian yung mga tao. May sinisigaw din silang pangalan, sa sobrang lakas non ay narinig ko kahit nasa backstage na ako.
"Louielie! Louielie! Louielie! Louielie!"
Napangiti ako nung maraming nagchi-cheer ng pangalan niya pero agad nawala yung ngiti na yun nung maalala ko yung mga sinabi niya kanina.
On my own interpretation, this is her last shot para makabawi sa akin. Eto na ang huli. And then after that, I think, she'll give up on me, too.
"Aba! Pwede na pala kayong manghuhula!" Sabi ni Jin. "Tama kayo ng sinisigaw na pangalan. Let us all welcome, our producer, Louielie!"
Narinig kong nagwala yung crowd noong marinig yung pangalan ni Louielie. Hindi ko tuloy maiwasang matawa noong naisip kong baka fans niya talaga yung nandito sa arena na nanonood at pinapanalangin nilang sana ay tumugtog din si Louielie at ngayong natupad yon, sobrang saya nila.
"Hi, everyone!" Bati ni Louielie sa lahat at naghiyawan na naman sila.
"Woah! Mukhang ang dami mong fans, ah! Alis na kami. Ikaw na lang dito." Biro ni Brian.
Narinig kong tumawa lang si Louielie at hindi na nagkumento.
"So, dahil nandito na ang sub natin. Let us proceed to the next portion of this concert." Sabi ni Jin. "We have decided to show you some performance that we never done before. For our 3 years in this industry with you, we never let you hear our never-been-released songs. Kung hindi niyo na tatanungin ay meron kaming mga kanta na na-compose bago pa kami makapasok sa industriyang ito. We want to show it to you as a gift of appreciation for your never ending support towards us. We won't reach this far if it's not because of you."

BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomansaAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...