Kakaalis lang ni Mommy sa bahay dahil pupunta na siyang Palawan para sa business trip niya. Hindi na siya nagpahatid sa akin sa airport kaya sinamahan ko na lang siya mag-abang ng taxi. Hindi naman na bago sa akin na iiwan ako ni Mommy dahil sa business trip niya sa malayong lugar kaya sanay na din ako. Mabuti nga ay 2 days lang siya mawawala ngayon, dati-rati ay isang linggo o dalawang linggo siyang nawawala. Kapag ganun ay madalas akong tambay kila Phil o hindi kaya ay kila Jin. Pero mas madalas akong gumagala mag-isa. Ang lungkot kasi kapag mag-isa ka lang dito sa bahay.
Dahil mag-isa lang ako ay naglinis muna ako sa buong bahay at ginawa pa yung ibang gawaing bahay. Alas-sais pa lang naman ng umaga kaya marami pa akong magagawa at malilibang pa ako. Alam ko kasi tulog pa si Lou kaya wala pa akong makakausap.
Alas-otso na nang matapos ako at ngayon ay kumakain na ng agahan. Naisipan kong itext si Lou para alamin kung gising na ba siya o hindi.
To: My Lou
Good morning, my Lou! Gising ka na ba? Love you!
Nung sinend ko na yung message ay hindi ko maiwasang mapangiti. Parang lagi naman akong nangingiti kapag si Lou yung kausap ko. Sana yung text ko yung bumungad sa kanya.
Ilang minuto na simula nung sinend ko yung text saka pa lang ako nakareceive ng reply mula sa kanya.
From: My Lou
Good morning din! Kakagising ko lang. Love you, too!
Muntik ko nang mabitawan yung platong hinuhugasan ko dahil sa nabasa ko. Nanginig bigla yung katawan ko sa bigla at para akong nagkaroon ng mini heart attack. Nakakainis naman.
Binitawan ko muna yung plato na hinuhugasan ko. Napahawak ako sa dibdib ko, kung nasaan yung puso ko, at naramdaman kong sobrang bilis non na parang nakikipagkarera o lumalaban ng Track and Field. Ilang beses akong huminga ng malalim para mapakalma yung sarili ko. Pero parang naging useless yun dahil nung makita ko na naman yung reply niya ay mas dumoble pa yung nararamdaman ko.
Napailing iling na lang ako sa sarili ko dahil para akong tanga. Pinindot ko yung call button at ini-speaker phone para marinig ko siya kahit naghuhugas ako. Inilapag ko yung phone ko sa may open cupboard namin na tapat ng lababo habang nagriring.
Matapos ng ilang ring ay narinig ko kaagad yung boses niya na nakapagpakumpleto ng umaga ko.
"Good morning, Don!" Masiglang bati niya.
"Good morning. How's your sleep?" Tanong ko habang nagsasabon ng mga hugasin.
"Ayos naman. Inaantok pa ako pero kailangan ko nang bumangon. Yare ako kay Papa." Sabi niya at nakarinig ako ng langitngit ng pinto.
"Lumabas ka na ng kwarto mo?" Tanong ko.
"Nope. Kakatapos ko lang maghilamos. Ikaw? Nakakarinig ako ng hugasan ah. Naghuhugas ka?"
"Yeah. Kakatapos ko lang kumain eh."
"Aga mo naman magising."
"Hinatid ko si Mommy sa sakayan ng taxi eh. Kakaalis niya lang kaninang mga 6am." Inilagay ko na yung mga nahugasan sa lagayan para mapatuyo.
Sumandal ako sa lababo habang nakikipag-usap kaya Lou.
"Ah, oo nga pala. Ngayon pala yung alis ni Tita papuntang Palawan. Ikaw lang mag-isa dyan?"
"Hindi. May mga kasama akong daga at ipis." Sabi ko at tumawa. Narinig ko naman siyang napa-'tss'
"Nye, nye, nye. Corny mo." Sabi niya. Naririnig kong naglalakad siya ngayon.
"Joke lang eh." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
