"Ano?!" sabay sabay na sabi ni Jin, Jay, at Brian. Si Phil naman ay napatingin lang pero kita mo din sa kanyang nagulat siya.
"Oo nga. Bakit parang hindi makapaniwala?" natatawang sagot ni Lou sa kanila.
Nandito kami sa canteen ngayon at kumakain ng lunch. Sabay sabay kaming anim at nasa iisang table kami. Si Lou parang kasama na din siya sa circle of friends namin. Minsan napapansin ko na ilag siyang makipag-usap sa mga babae, except kay Lolly dahil kapag nagkikita sila ay binabati niya yon at minsan ay nagkukwentuhan sila. Pero sa klase namin, wala siyang nakakausap na babae kaya naman kami ang lagi niyang kasama.
"Buti pinayagan ka?" sabi ni Jin.
"Yung Jerick mismo yung nakausap ko eh. Sabi niya kung kaya ko daw, why not."
Nabanggit na ni Lou sa kanila na lahat ng instrument ay ipango-audition niya. Kaya naman ganun na lang ang gulat ng apat.
"Ang lakas naman pala."
Tumawa lang si Lou sa sinabing NVni Brian.
"Base sa meeting namin nung nakaraang linggo, ang process ng audition ngayon ay per person unlike dati na per instrument. Kaya kung ang plano mo ay sasalihan mo lahat, mapapagod ka talaga. Ayos lang ba yun sayo?" sabi ni Jin.
Ngumiti si Lou sa kanya. "Napaghandaan ko na iyon kaya ayos lang. Mag-iipon na ako ng energy."
"Mukhang mahihirapan kang hanapan ng banda ah. Kasi lahat alam mo." sagot ni Brian.
"Sinong nagsabing kailangan pa akong hanapan ng banda? Hindi ako sasali sa ganun."
Napatingin kaming lima sa kanya. "Agik ka. Required yun na may grupo ka kahit tatlo lang kayo." sabi ko sa kanya.
Tinignan niya naman kami isa isa at bahagyang tumawa. "Sino ba kasing nagsabi na sasali ako sa bagong buong banda kung pwede naman na akong sumali sa existing band?" sagot niya. "I already ask the president about that at sinabi niyang pwede naman daw yun." huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa amin ulit. "Sabi ko sa inyo ako sasali. Kaso, sabi niya ay established band na daw kayo kaya tanungin ko daw kayo kung okay pa ba sa inyo na magpasali pa ng isang member."
Hindi kami nagdalawang isip at sabay sabay kaming tumango. Nagkatinginan kami pare-pareho at natawa sa isa't isa.
Pag mga ganitong bagay, dapat ay pinaguusapan pa namin dahil banda namin ang nakasalalay dito. Pangarap namin ang nakataya dito. Pero dahil si Lou naman ito, agad agad kaming pumayag at wala nang usap usap. G agad!
Hindi naitago ni Lou ang kasiyahan sa mukha niya at napapalakpak pa sa sobrang tuwa. "OMG! Thank you guys! Sa wakas hindi ko na kailangan mamroblema pa kung sino yung napupunta sa akin na mga kabanda dahil kayo kayo din naman."
"Pero ikaw lang yung papayagan namin na mapasali sa amin. Tama si Jerick, established na kami pero dahil kaibigan ka namin, payag na payag kami." sagot ni Jin.
"I second the motion!" sagot ni Jay
"Ako din!"
"Yep. Tama yun."
"Agree din ako."
Lahat kami ay sumang-ayon sa sinabi ni Jin.
"Salamat dahil kaibigan na ang turin niyo sa akin kahit kailan lang tayo nagkakilala." sagot ni Lou.
"Oo naman! Yung isa lang naman yung hindi kaibigan ang turin sayo." Sagot ni Phil.
Nagulat ako sa sinabi niya at napalingon sa kanya ng may malalaking mata. Bumalik lang siya sa pagkain na parang walang nangyari. Tumingin naman ako kay Lou at nakita kong natigilan siya sa narinig.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...