Chapter 19

59 4 1
                                    

"Hindi ako sa Pilipinas ipinanganak."

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya naman napalingon agad ako sa kanya. "Ha? Saan?"

"Sa US ako ipinanganak. Nung time kasi na pinagbubuntis ako ni Mama, nagpapagamot siya doon dahil sa sakit niya. Nadiagnose siyang merong sakit na Retinitis Pigmentosa. Walang cure sa sakit na iyon ka naman ang tanging ginagawa lang doon ay treatment lang para mapaslow down yung vision lost."

I already know that fact kasi sinabi ni Mommy sa akin, pero hindi ko alam na doon na pala nakapanganak yung Mama niya.

"Ilang years din kami doon, 5 years ata, bago siya pinayagan ng doktor na makauwi sa Pilipinas. Nang makabalik na kami dito ay nagpatuloy na kami sa normal na buhay. Pero nagkaroon ng kaunting problema sa negosyo ni Mama sa probinsiya kaya naman ay doon na siya nanatili. Sobrang close ko kay Mama kaya naman gusto ko lagi kaming magkasama kaya sumama ako at naiwan dito sa Maynila si Papa at Ate Kris. Umuuwi naman kami tuwing weekends tapos pag bakasyon naman ay nandito kami ni Mama o kaya naman ay nasa probinsiya sila Papa."

"So technically pala, doon ka na lumaki?"

"Oo. Parang ganun na nga."

"Buti hindi ka nalulungkot doon kasi hindi mo kasama yung Papa mo o kaya si Ate Kris."

"Hindi naman. Kasi may mga pinsan naman ako dun pero hindi ko gaanong close. Tsaka..." napahinto siya sa pagsasalita nang parang may naalala.

I patiently waited for her to talk again and after a few minutes ay nagsaluta ulit siya.

"May... Mga naging kaibigan din naman ako. Lalo na nung naghighschool."

So, eto na siguro yung sagot sa mga tanong ko sa kanya.

"Nagkaroon ako ng mga kaibigan noong 1st year high school." pagpapatuloy niya. "Sobrang close namin noon at lahat ng sikreto ko alam nila. Ganun din naman sila, lahat ng sikreto nila alam ko. Pero akala ko lang pala yun."

Napakunot ang noo niya nang may naalala. At sa nakikita kong itsura niya ay hindi magandang ala-ala yun.

"Siniraan nila ako sa buong school. Sinabi ko kasi sa kanilang marunong akong tumugtog ng mga instruments. Gusto nilang makita pero sabi ko ay hindi ako nakakatugtog ng maayos kapag wala si Mama. Akala ko naniwala sila pero ayun pala ay kung ano ano nang sinasabi nila pag wala ako. Kesyo sinungaling daw, mayabang, kunwari magaling. Kaya naman nagdesisyon akong ipakita sa kanila na kaya ko naman talaga kahit wala si Mama. Nagpractice ako ng mag-isa at pinagbutihan ko. Nagagawa ko na siya kahit wala si Mommy. Pero hindi ko pa pala kaya sa harap ng maraming tao. Kaya noong sumabak ako sa stage para mag-audition ay hindi ko nagawa yung dapat kong gawin. Ang dami kong mali, napahiya ako at napagtawanan. Kaya hindi na ako umulit nun na mag-audition ulit. Hindi ko na nilapitan yung mga kaibigan ko. Akala ko pag ginawa ko yon ay tatahimik na yung buhay ko. Pero hindi nangyari yon."

"You can stop telling you stories for now." sabi ko dahil nakikita kong nanginginig na yung kamay niya. "Marami pa tayong oras at araw para magkwentuhan. Kung hindi mo pa kaya, okay lang."

Inabot ko yung kamay niya para kumalma siya na siyang nagung effective naman.

"Diba, nasabi ko na sayo nung nakaraan na gusto kong sabihin sayo lahat ng dahilan ng napapansin mo sa akin. Eto na yun, Don. Sinasabi ko na." lumingon siya sa akin at ngumiti. "Sana, huwag kang lumayo sa akin."

Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Base sa kwento mo, wala namang dahilan para layuan ka. Yung mga dati mong kaibigan ang dahilan kaya ka nagkakaganyan, wala sayo. Kaya huwag kang mag-alala, hindi ako lalayo sayo. Pangako."

Hindi ko na kaya.

Ngumiti siya sa akin. "Salamat, Don."

Tumayo ako at inilahad ang kamay ko sa kanya, "Tara, maglakad lakad ulit tayo."

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon