"Saan tayo pupunta?" tanong sa akin ni Lou habang naglalakad kami palabas ng subdivision.
"Sa SM." simpleng sagot ko.
"Ahh." sabi niya at tumango tango. "Bakit mo nga pala ako niyaya na gumala? Anong trip mo?"
Napaisip naman ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang mga dahilan ko. Pero sige. Sasabihin ko yung isa.
"To celebrate your success audition. Diba sabi mo, 2 years ago, napahiya ka sa audition mo? Tignan mo kahapon, sobrang hanggang hanga sayo yung mga tao. Dapat lang na icelebrate yun." sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. "Actually, balak ko talagang magwalwal dahil don. Pero yung walwal na gusto kong kumain ng kumain talaga dahil sa sobrang saya. Buti na lang naisipan mo akong yayain."
Nginitian ko siya. "So ngayon, sulitin natin itong araw na ito."
"Okay! Let's go!" kita ko sa mukha niya ang excitement at kasiyahan kaya naman ay nahawa na din ako.
Sana talaga ay mag-enjoy kami pareho sa araw na ito, lalo na siya para kahit papaano ay mabawasan ang mga iniisip niya.
Nang makarating kami sa mall ay pumunta muna kami sa Arcade para maglaro ng kung ano-ano.
Napagdesisyunan naming magpapagod at magpagutom muna bago kami kumain ng marami-rami mamaya.
"Halika dito, Don! Dito muna tayo!" sabi ni Lou at hinatak ako papunta sa kung saan.
Pumunta kami sa may lugar kung saan ang basketball. Hindi ko alam kung anong trip niya at dito siya pumunta.
"Marunong ka niyan?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Gusto ko lang subukan." sabi nita habang nagbibilang ng tokens na nabili namin kanina. "Ikaw ba, marunong ka?"
"Oo naman. Tambayan namin to minsan nila Phil eh." sagot ko at kumuha ng tokens na hawak niya.
"Dapat sinama natin sila eh. Bakit ba hindi mo sila niyaya?"
Tumingin ako sa kanya ng ilang segundo at sumagot. "Gusto kitang ma-solo." sabi ko at kumindat sa kanya.
Naglihis agad ako ng tingin sa kanya at naghulog tokens para magsimula nang maglaro pero bago yon ay humarap muna ako sa kanya. Nakita ko yung mukha niyang namumula kaya naman hindi ko napigilan kurutin ng mahina ang pisngi niya.
"Watch me!" sabi ko at humarap na sa ring. Sakto naman na nahulog na yung mga bola at nagsimula na akong magshoot.
Madalas kaming magkakabanda dito sa arcade na ito at nagpapataasan ng score sa kahit anong laro dito sa loob lalo na dito sa Basketball. Palaging ako o si Jay ang nananalo kaya naman basic na lang to.
Shoot lang ako ng shoot at lahat nang binabato kong bola ay pumapasok dahilan para magkaroon ako ng highscore.
"Hala! Ang galing mo!" sabi ni Lou at pumalakpak pa.
"Sabi ko sayo eh."
"Hala! Ang daming ticket! Wait lang kunin natin!" tumingin ako sa baba at nakitang marami ngang nilalabas yung machine na tickets.
"Ako din! Maglalaro din ako!" sabi niya at naghulog na ng token pagkatapos maglabas ng tickets yung machine.
Nagsimula na yung timer at nagsimula na din siyang maglaro.
Habang tinitignan siya maglaro ay pinipigil ko yung tawa ko. Sa 4 minutes niyang naglalaro ay iilan lang yung nashoot niya at nakakatawa yung itsura niya kapag hindi nagshushoot. Parang gusto niya nang akyatin yung machine at doon siya sa loob magshoot para marami siyang score.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...