Chapter 46

52 2 8
                                    

Noong pumayag ako na dito matulog kila Tita ay hindi ko naisip na wala pala akong dalang damit kaya noong makapasok ako sa guest room ay naging problemado ako bigla.

Habang nakaupo sa kama ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto.

"Donnie? Gising ka pa ba? Pwede ba akong pumasok?" Rinig kong sabi ni Tita Mercy sa labas ng pinto kaya agad akong tumayo at binuksan iyon.

Sinalubong niya ako ng ngiti nang pinapasok ko siya sa kwarto. Nakita kong may mga dala siyang paper bag. Mga lima yun.

"Here." Inabot niya sa akin yun kaya kinuha ko. Nang buksan ko yun lahat ay nakita kong mga damit yun at hindi lang basta damit, mga bago pa yun lahat dahil sa price tags.

"Ahm, para saan 'to, Tita?" Tanong ko dahil nakita kong mga panlalaki yun.

"Ah.. simula kasi nung malaman ni Kuya Daniel na estudyante kita, pinipilit niya akong kausapin ka at magpakilala ako sayo, and with that, gusto niyang ibigay ko din sayo yang mga yan," turo niya sa mga damit. "Hindi ko din naman mabigay dahil sa school lang tayo nagkikita. So, since nandito ka na ngayon, ibibigay ko na sayo yan, para may magamit ka din ngayon."

Nakaawang lang ang bibig ko habang nagpapaliwanag sa akin si Tita. I honestly don't know what to say. Parang nablangko yung utak ko.

"Hindi yan suhol, kung yun yung iniisip mo. I don't know if you know this trait of your Dad. But he loves spoiling everyone with gifts. Lagi niyang ginagawa kay Melody at Rhythm yon. Kung magkasama kayo, alam kong ganun din ang gagawin niya sayo, lalo na't nag-iisa ka nyang anak."

"Kung gusto niyang mangyari yun, Tita, he shouldn't abandon us in the first place. He should listen to Mom first bago siya magdesisyon na palayasin kami." Kalmado pero nagngingitngit ang kalooban ko nung maisip ko na naman ang pangyayari sa pamilya ko.

Lumapit sa akin si Tita at hinawakan yung balikat ko para kumalma ako. "You have a point, Anak. Kasi yan na yan din mismo ang sinabi ko kay Kuya noong nalaman kong pinalayas niya kayo. I am actually the one who found out about the truth behind those pictures. Kasi ayokong masira yung pamilya niyo. Lalo na't sa pagkakaalam ko ay sobrang bata mo pa nun. Pero hindi ko sasabihin sa inyo yung buong kwento. I will give that chance to Kuya once na nakapag-usap na kayo. For now, just make up you mind and calm down, okay? Gaya ng sabi ko kanina, walang nagpapamadali sa inyo ng Mommy niyo. Alam namin kung saan kayo nanggagaling."

Tumango ako sa kanya. "I'm sorry, Tita. I lashed out on you. Hindi ko malabas to kay Mommy kasi alam kong mas nasasaktan siya kaysa sa akin. Only Phil and Louielie knows about how I truly feel." Nararamdaman kong nag-iinit na yung gilid ng mata ko at mahigpit na yung hawak ko sa mga paper bags.

Narinig kong bumuntong hininga si Tita at naramdaman kong iginiya niya ako para unupo sa gilid ng kama.

"Okay, tell your Tita how are you feeling."

Dahil sa sinabi niya at sa klase niya ng pagtatanong sa akin ay hindi ko napigilan yung sarili kong maiyak.

Hindi naman masama diba? She's my family, I can show her my weakness.

"I-i'm mad, Tita. He let us suffer. Mommy got into severe depression because of what he did, that makes me more mad at him. He is also the reason why at first I don't want to fall in love because I don't want to get hurt. That would double my Mom's heartache." Pinunasan ko yung tumulong luha sa mata ko pero may pumapatak pa din. "I want to punch him in the face but I can't. He's still my father. At kahit grabe ang galit ko sa kanya, hindi ko pa din maiaalis sa akin na irespeto siya. Kaya hangga't may pagkakataon, lalayo na lang ako sa kanya dahil ayokong mawala yung respeto ko sa kanya. I still love my father even after what he did. Alam na alam ko sa sarili ko na kapag narinig ko yung paliwanag niya ay papatawarin ko siya agad. Pero ang kinakatakot ko ay paano kung ulitin niya? Ayoko na ulit makita si Mommy na sobrang nasasaktan." Itinukod ko yung dalawa kong siko sa may tuhod ko at tinakpan ko yung mukha ko gamit yung dalawa kong kamay habang umiiyak pa din.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon