Lagpas isang oras ang byahe ko papuntang East Gate sa bagal ko magmaneho. Kinakabahan kasi ako lalo na't hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kapag pumunta ulit ako doon.
Noong makapasok ako sa East Gate ay samu't saring alaala ang rumagasa sa isipan ko. Puro masasaya naman talaga ang mga alaala ko dito, kaya lang naman ako nasasaktan dahil yung mga masasayang alaala na yun ay hindi na mauulit pa dahil sa pag-iwan sa akin ni Louielie.
Nadaanan ko yung street kung saan kami nakatira dati. It feels nostalgic. Almost all of my teenage years happened on that house kaya hinding-hindi ko malilimutan yun.
Palapit na ako ng palapit sa Phase 3, kung saan ang bahay nila. Nanginginig na yung kamay ko, actually. Pero kailangan kong maging kalmado dahil ayokong humarap sa kanya ng ganito.
Lumiko na ako sa street nila. Kahit hindi pa ako nakakalapit ng husto ay tanaw ko na kaagad kung sino yung taong nasa labas ng bahay nila na nakasandal sa tabi ng gate.
Hindi ko tuloy maiwasan na hindi maalala yung pangyayari 7 years ago dyan sa tabi ng gate nila, kung saan ay nakasandal din siya nun sa mismong sinasandalan niya ngayon.
Noong mapansin niyang palapit na ako ay lumingon siya sa kotse ko. Umalis siya sa pagkakasandal at tumayo ng maayos. Pinatay ko yung makina ng kotse ko at lumabas na.
"Hindi na pala kayo dito nakatira." Mahina niyang tanong sa akin.
Tumango ako at inilahad ang phone niya. "Here."
"Thanks." Ngumiti siya ng tipid.
And there, the awkward silence.
Ilang minutong walang nagsalita sa amin, kapwa may gustong sabihin pero hindi masabi. Panay din ang iwas namin ng tingin sa isa't isa.
Noong hindi ko na matiis ay tumikhim ako. "Ahm. Sige alis na ako."
"Ahh... Ano..." Nag-aalangan niyang tanong.
Tumingin ako sa kanya at tumaas yung dalawang kilay. "Hmm?"
"Ahm... Sorry..." Sabi niya. Yumuko siya saglit at nag-angat ulit ng tingin sa akin. "Sorry about what happened earlier, for not telling what Mark has been doing to me."
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Just... Don't do it again. Hindi naman masamang humingi ng tulong." Lumunok ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm sorry, too... If you're hurt from what I've said earlier."
"That's fine. I deserve it, anyway." Kibit balikat na sabi niya.
Tinitigan ko siya matapos niyang sabihin yun at ganun din siya. Tinignan ko yung emosyon sa mata niya pero hindi ko kinaya, marami akong naaalala. Kaya iniwas ko kaagad ang tingin ko.
"Sig-"
Hindi ko natapos yung sasabihin ko nung biglang magbukas yung gate at bumungad sa amin si Tito Louis. Noong nakita niya kami doon ay bahagya siyang nagulat.
Teka, deja vu?
"Oh. Nandito ka pala, Donnie." Sabi niya nung dumako ang tingin niya sa akin.
Lumapit ako at nagmano. "Hinatid ko lang po yung phone ni Louielie. Naiwan niya po kasi kay Julia."
"Ahh..." Sabi niya at tumango tango. "Gusto mo bang pumasok muna?"
Ngumiti ako at umiling. "Hindi na po. Pauwi na din po ako, actually."
"Ganun ba? Oh sige. Mag-ingat ka." Sabi ni Tito at tinapik ako sa balikat.
"Sige po." Sabi ko at tumingin kay Louielie. "Alis na ako."
Tumango siya at tipid na ngumiti. "Salamat. Ingat ka."
Tumango lang ako sa kanya at tumalikod na. Hindi man halata pero nagmadali talaga akong pumasok ng kotse at paandarin yun. Ayokong magtagal sa lugar na yun dahil marami akong naaalala. Nabawasan na yung sakit pero naiilang ako. Siguro kapag pumunta pa ako dito ng pumunta, masasanay din ako.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
