"Ang angas!" namamanghang sabi ni Jin at lumapit sa mga equipments. "Grabe! Pangarap kong magkaganito!"
"Ang galing. First time ko lang makapasok sa studio." sagot naman ni Jay.
"Hala! Wait! Ang ganda ng Bass Guitar mo!" sabi ni Brian na nakatanaw sa loob ng live room kung nasaan ang mga instruments.
"Tara pasok tayo dun." sabi ni Lou at may kinuhang susi sa likod ng pintuan ng studio saka binuksan yung live room.
"Dito ako nagpractice para sa audition. Every after class ako dito, mga 2 hours din ang ginugugol ko."
Lumapit ako sa Drumset niya at tinignan ito. Pinasadahan ko ng mga daliri ko ang bawat parts at masasabi kong alagang alaga niya ito. Iba ito sa Drumset ko sa bahay at sa Drumset ni Jin.
"Si Mama ang pumili niyang Drumset na yan." narinig kong sabi ni Lou kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin.
"Sayo ba lahat to?" tanong ni Phil. Nakita kong nandun siya sa pwesto ng keyboard. Tinignan ko iyon mabuti at nakita kong kapareho ng model at brand nung kanya.
"Yung lahat ng instruments lang pati mga amplifiers, akin yun. Regalo sa akin ni Mama at Papa. Pero yung nasa control room, kay Mama lahat yun. Pamana lang kumbaga. Kasi ako lang naman marunong gumamit ng mga yan dito sa amin. Marunong din naman tumugtog si Ate at Papa pero hindi sila nagrerecord. Kaya ako na lang gumamit kaysa masira." mahabang paliwanag niya. "Gusto niyo ba magjamming?" nakangiti niyang dugtong sa amin.
Lahat naman kami ay tumango kaya naman hinayaan niya na kaming magset-up.
"Isuot niyo yung mga headphones dyan." turo niya sa mga headphones malapit sa mga instruments kung nasaan kami.
Sinunod namin ang gusto niya at siya naman ay lumabas at pumuntang control room. Nakita namin siya maraming kinakalikot na kung ano-ano.
"Can you hear me?"
Nagitla kaming lahat nang may narinig kaming boses sa headphones. Nang tignan namin si Lou sa labas na nahaharangan ng salamin ay nakita naming tumawa siya. Rinig pa namin sa headphones na suot namin yung tawa niya.
But for me, it is the most beautiful that I have ever heard.
"Sorry. Nagulat ko ba kayo? Dapat pala sinabihan ko kayong maririnig niyo ako dyan sa mga suot niyo." pagpapaumanhin niya pero natatawa tawa pa din.
Lumapit si Jin sa may condenser at nagsalita na narinig din namin sa head phones namin. "Pasalamat ka at hindi kami makarebat ngayon lahat."
"May mic kaya sa mga tapat niyo. Pwede kayong may salita dyan. Maririnig natin ang bawat isa." sabi ni Lou kaya naman ay tumingin kami lahat sa tapat namin.
Meron ngang mic. Kaya naman kanya kanyang salita at sound check ang mga loko.
"Sound check muna kayo para matimpla niyo na yung tunog." sabi ni Lou sa kabilang linya kaya nagsoundcheck naman kami.
Tumugtog kami ng usual na pang sound check namin. Random chords progression. Nang maging okay na ay napagdesisyunan namin tumugtog ng isang kanta.
Ang tutugtugin namin ay In the End by Shane Filan. Natugtog na namin ito last year kaya kahit papaano ay alam namin yung kantang iyon. Isa ito sa mga paborito kong natugtog namin dahil maganda naman talaga yung kanta.
Nagsimula na kaming tumugtog. Nakatanaw ako sa labas at nakita kong busy sa pagkalikot si Lou. Nakita kong parang seryoso siya sa ginawa niya. And that makes her more attractive.
Nasabi ko na bang isa sa mga gusto kong katangian ay isang taong passionate sa ginagawa niya? That's Lou.
Nakasuot na din siya ng head phones para siguro marinig kami ng maayos.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomantizmAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...