Chapter 51

41 3 0
                                    

"Don? My love? Gising na."

Nararamdaman kong may marahan na nag-aalog ng balikat ko para gisingin ako. Naririnig ko din yung malambing na boses nung gumigising sa akin.

Onti onti kong idinilat yung mata ko at bumungad sa akin yung mukha ng pinakamamahal ko. Nakangiti siya sa akin kaya onti onti din akong napangiti. Ang ganda niya talaga.

"Nasa langit na ba ako? Bakit may anghel akong nakikita?" Mahinang sabi ko na ikinatawa niya.

"Loko ka. Bangon ka na dyan, malapit na mag-12 ng tanghali." Sabi niya at hinaplos pa yung ulo ko.

Dahil sa sinabi niya ay nanlaki yung mata ko nung maalala kong may lakad kami. Napabangon agad ako. Pero bago ako makabangon ng maayos ay naramdaman ko nang sobrang sakit ng ulo ko kaya napabalik ako sa pagkakahiga sa kama.

"Aray! Takte!" Naiinis ko sinabunutan yung buhok ko dahil sa sakit.

Hindi na ako uulit! Ganito pala feeling ng hangover! Putakte! Ayoko na!

"Ayos ka lang? Masakit ulo mo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Lou kaya tumango ako.

"Tsk, tsk, tsk. Ano bang ginawa mo kagabi at sumakit ulo mo?" Tanong niya. Naramdaman kong hinimas niya yung ulo ko.

"Si Daddy.. kasalanan ni Daddy 'to." Sabi ko habang inaalala yung ginawa namin ni Daddy kagabi. Tandang tanda ko pa.

Narinig ko tumawa si Lou ng mahina. "Sabi nga ni Tita Jen. Nag-inuman daw kasi kayo kagabi. Dinadakdakan ni Tita Jen si Tito Daniel sa baba noong dumating ako."

Dahan-dahan akong bumangon noong medyo nawala na yung sakit ng ulo ko at nilingon si Lou na umupo sa kama ko at tumabi sa akin.

"Good morning, My Love." Tipid ko siyang nginitian ay hinawakan yung kamay niya.

"Good noon na, Boss. Masyado ka pang maaga para bukas." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Napabusangot ako dahil sa ginawa niya. "Hindi pa ako nagtutoothbrush at naghihilamos. Amoy alak pa ako, tapos ikikiss mo na ako."

"So?"

"Mabaho ako."

Lumapit siya sa akin at inamoy ako sa leeg. Doon ko naalala na nagpahubad pala ako ng tshirt kay Daddy kagabi kaya napatingin agad ako sa katawan ko pero nakita kong may suot na akong bagong tshirt. Baka sinuotan ako ni Mommy.

Hindi niya lang ako sa leeg inamoy, inilapit niya din yung mukha niya sa akin, sobrang lapit na kapag gumalaw ako ng konti palapit ay magtatama ang ilong namin. Nanigas ako sa pwesto ko at tumigil ako sa paghinga kaya naman hindi ako naka-angal.

"Hindi ka naman mabaho, eh." Sabi niya at inilayo yung mukha niya sa akin.

"Ah.." yun lang ang nasabi ko habang shocked pa din.

"Mag-asikaso ka na. May practice tayo ng 1pm, diba?" Sabi niya at tumayo na sa pagkakaupo sa kama ko. "Hintayin kita sa baba."

Tumango lang ako at walang sinabi hanggang sa makalabas siya ng kwarto ko. Saka ko lang binuga yung pinipigilan kong paghinga. Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman kong sobrang bilis ng tibok nun.

Napailing na lang ako sa sarili ko. Hanep. Iba talaga epekto sa akin ni Lou. Girlfriend ko na siya, pero ganun pa din ang epekto niya sa akin, mas lumala pa nga ata.

Bumangon na ako sa kama ko at dahan dahang naglakad papunta ng banyo. Masakit pa din yung ulo ko kaya baka sakaling mawala kapag naligo ako.

Nang matapos akong mag-asikaso ay agad akong bumaba. Medyo nahimasmasan naman na ako pero kumikirot pa rin ng onti.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon