SC: Louielie's POV Part 3

38 5 0
                                    

A/N: Shemay! Namiss ko to! WAHAHAHAHA

As promised, 1 month na pahinga haha pero hindi pa tapos thesis namin so... Hehe

It's August 5! Happy birthday, Louielie!
----

Noong gabi ding yun ay tinapos ko na yung kanta na kino-compose ko since last week. Sinasabay ko yun habang nagpapractice ako for audition kaya kahit papaano ay nakakausad na din ako.

Yung kantang to ay ang unang love song na nacompose ko. As in purely love song at walang hidden meaning at isa lang ang inspirasyon ko dito. Si Don.

Balak kong kantahin to sa kanya sa birthday niya, which is next week na kaya naman ay pinaghahandaan ko na kaagad ngayon.

Dahil sa successful kong audition ay parang gusto kong gumala at magfood trip bukas kaya naman ay naisip kong i-text si Donnie. Gising pa kaya yun?

To: Don

Gising ka pa?

Wala pang isang minuto ay nagreply na siya. Aba! May inaabangan ba tong text kaya hawak ang phone?

From: Don

Tulog na ako.

"Parang tanga." Sabi ko sa sarili ko at nagreply sa kanya.

To: Don

Gagu.

From: Don

Joke lang. Gising pako.

Naisipan ko naman siyang biruin din.

To: Don

Tulog na ako. Zzzzz

From: Don

Wala ka bang bagong banat? HAHAHAHA

Napailing na lang ako sa reply niya. Naririnig ko yung busaklat niyang tawa.

To: Don

Ewan ko sayo.

From: Don

Biro lang. Napakapikunin mo talaga. Anyway, may gagawin ka ba bukas?

To: Don

Wala naman. Bakit?

From: Don

Gala tayo?

Ilang segundo akong nakanganga at nakatitig lang sa text niya.

Ano daw? Gala kami? Nagyayaya ba siya sa akin? Ako ba niyayaya niya? Baka wrong send to! Pero ako yung tinanong niya kung may gagawin ako bukas eh!

OMG! Huwag ka munang mag-assume, Louielie! Baka naman tinanong ka niya tapos tatanungin niya din yung ibang kaibigan niyo o baka natanong niya na yun tapos sama-sama kayong gagala.

Dahil baka naga-assume lang talaga ako kaya naman nagreply ako ng safe na text.

To: Don

Sure! Gusto ko yan! Saan tayo? Nasabihan mo na ba yung apat?

Napahinto ako sa paglalakad papuntang hagdan habang naghihintay ng reply niya kaya halos mabitawan ko yung phone ko nung nagvibrate yon.

From: Don

Hindi sila kasama. Tayong dalawa lang.

"Oh My God!" Napatili ako at napatakbo sa kwarto ko! Habang nasa hallway ako ay tumitili pa din ako at sumisigaw ng, "Maka-crush back na ako! Oh my God!"

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon