"Donnie."
Napalingon agad ako kay Mommy noong tinawag niya ako. Tumingin din ako sa paligid. Nakaalis na pala sila Phil. "Po?"
"Tara na. Alis na tayo." Sabi niya at inabot sa akin ang susi ng kotse. "You drive." Sabi ni Mommy at tumaas baba pa yung kilay at nginisian ako.
Napanguso ako dahil don at tumingin kay Lou na tatawa tawa lang.
"Dito tayo sa likod, Louielie. Gagawin nating driver si Donnie." Sabi sa kanya ni Mommy bago pumasok sa back seat.
"Mommy naman eh!"
"Lagi mo naman kasama at kausap si Louielie! Ako na muna!"
Wala na akong nagawa kundi pumayag na lang pero bago pa makapasok si Lou sa backseat ay lumingon siya sa akin. Lumapit siya ng kaonti at nagtip toe. She gave me a kiss on my cheeks, but it sent a havoc to my system.
Shemay.
"Pampalubag loob." Sabi niya at tuluyan nang pumasok sa backseat.
Ako naman ay naiwang nakangiti lang doon na parang tanga. Nang ibalik ko ang tingin ko kung nasaan si Daddy ay nakita ko siya nakatingin pa din sa akin at nakangiti. Yung parang ngiting proud siya. Hindi ko na lang pinansin yun at tumuloy nang pumasok sa driver's seat.
"Saan tayo, Mom?" Tanong ko kay Mommy habang nagsusuot ng seatbelt.
"Sa mall tayo." Sagot ni Mommy.
"Okay." Yun lang ang sinabi ko at inistart na yung sasakyan at pinaandar.
Iniisip ko na baka sumunod sa amin si Daddy medyo binilisan ko yung pagdadrive pero may parte sa akin na gusto ko siyang sumunod sa amin. Hindi ko alam. Ang gulo na ng utak ko.
Hindi ko na masyadong inisip yun at nagfocus na lang ako sa pagmamaneho. Kailangan ko magtriple-ingat. Dalawang babaeng mahal ko sakay ko ngayon. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos sa pagdadrive.
Naririnig kong nagkukwentuhan sila sa backseat ng mga kung ano-anong bagay na tanging babae lang ang mga nakakaintindi. I didn't know that Lou has that kind of girly side. She's so amazing. Kayang kaya niya talagang makibagay sa iba at kahit kanino. Hindi ko alam kung anong klaseng pag-iisip ang meron yung mga taong nagtake advantage sa kanya.
Nang makarating kami sa mall ay wala naman akong masyadong ginawa doon. Nagsilbi lang akong body guard ng dalawa, taga buhat kapag may binili sila, taga bigay ng opnyom sa mga bibilhin nila, at kung ano ano pa. Wala. Wala talaga akong masyadong ginawa.
Sobrang dami lang.
Mommy told me earlier on her text message na 'date tayo?' and I expect na kaming dalawa kasama lang si Lou. Pero parang naging baligtad.
I'm jealous.
"Why are you sulking?" Tanong no Mommy habang kumakain kami.
"Ang daya mo eh." Mahina kong sabi. Narinig yun ni Lou na katabi ko kaya tumawa siya sa akin.
"Ano?" Tanong ni Mommy.
"Sabi ko, ang daya mo." Ulit ko.
"At bakit?"
"Sabi mo date natin 'to. Parang date niyo ni Lou 'to eh."
Dahil sa narinig ay tumawa na din si Mommy. "Oh. My baby is jealous."
"No, I'm not."
"Deny ka pa? Lagi mo na kaming kasama ni Lou, kami naman dapat yung magbonding, right, Lou?"
Tumango tango naman si Lou at tumingin sa akin. Nakanguso pa din ako kaya pinanggigilan niya yung pisngi ko.
"Minsan lang kami magbonding ni Tita, pagbigyan mo na."
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...