Habang nasa byahe at nakasakay kami sa taxi ni Lou ay kinuwento ko sa kanya yung nangyari magmula sa dinner namin at sa napag-usapan namin ni Tita Mercy.
"I'm happy for you, Don. Remember the time when I ask you, two times na ata I think, kung gusto mo bang kausapin yung Daddy mo, your answer is always 'no' o kaya ay ayaw mo? But now, your improving. Yan na yung simula nyan." Sabi niya.
"What do you mean 'simula'?"
"Start of your moving on and moving forward. If you finally have the desire to do what you can't do because you are hurt, that's the beginning. And I can't wait for you be happy."
"I am happy. You made me." Sabi ko at pinisil yung kamay niya na hawak ko pa din.
"I know. Pero alam kong ibang kasiyahan ang nabibigay ko sayo. Iba din ang kasiyahang maibibigay sayo ng kumpletong pamilya."
Napatingin ako sa kanya at nakita kong nalungkot yung mukha niya kaya naman ay hinigpitan ko yung hawak ko sa kanya lalo. Napatingin naman siya sa akin at malungkot na ngumiti.
"Even if you feel sad, just remember na marami kaming nagmamahal sayo. I know you've moved on pero alam kong nalulungkot ka pa din. I'm just here, okay?"
Tumango siya at humilig sa balikat ko. I smiled because of what she did, it's like she is depending on me and I am happy with that thought.
Tumagal ng halos isang oras yung byahe namin dahil medyo malayo yung pinuntahan namin sa subdivision. Kaya nung makarating kami doon ay malapit nang mag 2pm. Mabuti na din para hindi ganun kainit.
Habang papasok kami sa loob ng sementeryo ay biglang parang naging tahimik si Lou. Hindi ko mabasa yung expression ng mukha niya. Hindi ko alam kung masaya ba siya, malungkot, kinakabahan o ano. Kaya kahit hindi naman dapat kabahan ay kinakabahan din ako. Para natawa ako sa naisip ko dahil bakit naman ako kakabahan? As if naman na may makikita akong multo dito, hindi naman sila totoo.
Matapos ng medyo mahabang lakaran ay lumiko si Lou sa kaliwa. Matapos naming lampasan ang mahigit limang lapida, huminto kami sa isang lapida doon. Nakayuko si Lou doon at nakatitig lang kaya tinignan ko din at napag-alaman kong nandito na pala kami sa destinasyon namin. Binasa ko yung pangalan na nandun.
Maris Aurora A. Tencio
"Tara, upo tayo." Sabi ni Lou.
Kinuha ko yung picnic blanket sa loob ng basket na dala ko at inilatag iyon sa damuhan. Agad namang kaming umupo ni Lou. Napansin kong hindi siya kumportableng umupo dahil nakadress siya kaya naman ay hinubad ko yung suot kong jacket at ipinatong yun sa hita niya.
"Thanks. Dapat pala hindi na ako nag-dress." Sabi niya.
"No, that's fine. Wear anything you like. Sisiguraduhin ko na lang na hindi ka mailang sa suot mo." Sagot ko.
If that's what makes her happy, then so be it. I'll just stay on guard and protect her.
"Sweet." Pabiro niyang sabi at humarap na sa himlayan ng mama niya.
Inilapag niya yung bulaklak na dala namin. Umusal muna kami ng dasal pareho. Pagtapos nun ay walang ni-isang magsalita sa amin. Pero ilang minuto ang lumipas ay nagsalita si Lou.
"Ma, kamusta ka na? Sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw. Medyo nabusy kasi eh. Sana huwag kang magalit sa pinagkakabusy-han ko. Hindi ba, sabi mo naman, pwede naman ako magpaligaw? Kaya bilang pambawi, dinala ko na lang siya dito." Matapos niyang sabihin yun ay tumingin siya sa akin nang nakangiti.
Hindi ko pa nasusubukang kumausap sa harap ng puntod, pero para kay Lou, maybe it's not a bad thing to have this kind of first time, right?
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Good afternoon po, Tita. I'm Donnie Madrigal. 17 years old. And I really, really love your daughter. Very much. I don't know what to do anymore if I lose her. Thank you for bringing her to this world. Thank you po dahil inalagaan at minahal niyo siya ng mabuti. I'm really grateful that you brought her to this world and letting me meet her. Although may mga hindi magandang pangyayari kaya nagkakilala kami, still I'm thankful to you and Tito Louis dahil nagkaanak kayo ng isang babaeng nagparealize sa akin ng mga bagay na hindi ko maisip dati. Si Lou po yung dahilan ko kung bakit unti unti na akong hindi nabubulag sa mga pinagdaanan ko sa nakaraan. Isa po siya dahilan kung bakit nagpapakatatag ako ngayon. At isa din siya sa dahilan kung bakit gusto kong mas maging mabuting tao, dahil ganun siya. Pinalaki niyo po siya na maging isang mabuting tao. Kaya salamat po. Mahal na mahal ko po si Louielie."
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomansAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
