I know Mom and Dad has something to do with this. And I'm right.
"Paanong kayo nagkakilala?" Tanong ko kay Louielie kaya napatingin siya sa akin.
"Ah... Last 2 weeks kasi, sinama ako ni Papa na magdinner sa restaurant. I didn't know that it's with Tita Jen and Tito Daniel, tapos kasama pa nila si Julia non. Kaya kami nagkakilala." Paliwanag niya.
"Ang close niyo ah." Wala sa sarili kong sabi habang nakaupo si Julia sa hita ni Louielie at naglalaro sa phone ko.
Nagkibit balikat lang siya at ngumiti. Nakikita ko sa kanyang natutuwa din siya kay Julia kaya pinabayaan ko na din na magkasama sila. Bibihira lang din naman maging sobrang close ni Julia sa mga taong bago niyang kakilala.
"Ganyan talaga kapag magkaugali, nagkakasundo." Sabi ni Jay.
"Magka-ugali ba kami?" Nakakunot ang noo na tanong ni Louielie.
"Oo." Sabay-sabay na sabi ni Jin, Jay, Phil, Brian at Lianne.
"Because we're both pretty and cute po." Sagot ni Julia pero nasa phone pa din ang tingin.
"Ako yung pretty, ikaw yung cute." Sabi ni Louielie.
"Hindi, Ate. You're pretty and cute at the same time. Ganun din ako." Sagot ni Julia sa kanya.
Kusa na lang kaming nagkatinginan ni Louielie. Naka-awang ang bibig niya at parang nagtatanong na tumingin sa akin. Parang naintindihan ko kung bakit ganun siya tumingin sa akin kaya umiling ako. Parang tinatanong niya kung tinuruan ko ba si Julia. Hindi naman talaga. Tsaka wala naman akong magagawa kung ganun yung tingin sa kanya nung bata dahil totoo naman.
Ilang minuto pa silang nagkulitan bago kami magdecide na magseryoso lahat. Inexplain sa amin ni Louielie ang programme at yung sequence ng mga portion. Wala pa kaming set list dahil ngayon pa lang kami magbi-brainstorming.
"What are the songs that will be included?" Tanong ni Louielie.
"All of the songs that we released during our 3rd year period. Kahit hindi kasama sa album, kahit yung mga single lang." Sagot ni Jin.
"Ah edi kasama tayo? Single tayo eh." Nakangisi niyang sagot. Napangiwi naman ako dahil don.
"Nakakatawa yon?" Sabi ni Jay kaya tumawa sila. Tahimik lang ako na nakamasid.
"So, yung anim na kanta sa album tapos yung mga single niyo pa na na-released at yung single niyo pa na ire-release." Nagtype si Louielie sa notes ng phone niya.
Since may mga kanta kaming nagawa na hindi na-include sa album, which is yung dalawang kanta na nasulat ko, the management decided to release it as a single para kahit papaano, sa time na focused kami sa preparation ay may maibibigay pa din kami sa fans.
"May special number pa pala kayo bawat isa. Sa tingin niyo anong magandang gawin?" Tanong ni Louielie sa amin.
"I have suggestion." Sabi ni Jay at nakataas pa yung kamay.
Tumingin naman kami lahat sa kanya. "Sumayaw tayo lahat." Sagot niya kaya nakatanggap siya ng batok mula sa aming lahat.
"Kalokohan mo na naman, Kaizer Jay." Sabi ni Louielie at inirapan siya.
Muntik na akong matawa sa tinawag ni Louielie sa kanya dahil alam na alam niyang ayaw ni Jay na tinatawag siya sa buo niyang pangalan. That only means one thing, war.
"Hoy! Louielie Aurora! Matinong suggestion yon!" Singhal ni Jay.
"Matino bang suggestion na pagsayawin kayo eh hindi naman kayo dancer. Magkakapahiyaan lang kayong lahat, Kaizer Jay."
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
