After the Foundation Week, medyo nailang na akong makipag-usap kay Brian. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso at hindi ako makasagot ng maayos sa mga tanong niya.
He noticed that behavior of mine, he just laughed.
"Ang panget mo, Louielie! Para kang ewan. Hindi naman ikaw ang may kasalanan, bakit parang ikaw pa yung guilty dyan? Mas guilty ka pa sa gumawa sa akin ng kagaguhan." Sabi niya nung inamin ko na naiilang ako pagkatapos nung nangyari.
"Eh kasi, hindi ko sinabi agad na may ganun na palang nangyayari behind your back."
"You have your reasons, right?"
"Does it justify the things I did?"
"For me, yes. You have nothing to do with our relationship, anyway. Atsaka,concern ka sa akin kaya hindi mo kaagad sinabi. Kung wala ka talagang intensyon na sabihin sa akin yun, hindi ka aamin. You just waited for the right timing at hindi yon bago mag BOTB dahil pare-pareho tayong magiging distracted."
"How are you feeling?" Nag-aalangan kong tanong.
Yung tanong ko lang ata na yun ang trigger niya para maglabas siya ng damdamin niya. He cried and because of that, I panicked.
Mabuti na lamang ay walang masyadong tao sa room, kaming anim lang ang nandito.
"Tangina nila... Mga hayup..." Mahinang sabi ni Brian habang umiiyak.
Medyo namangha ako dahil hindi niya tinago sa amin yung nararamdaman niya, that only means he trusted us for him to let us see his weakest.
I really admire male friendship. Walang plastikan. Bonus na lang na naging kaibigan ko din si Lolly, Lianne at Melody. Nakikita ko sa kanilang hindi nila ako pinaplastik, hindi gaya ng pakiramdam ko kay Lizzy at Riley dati.
Ngayong week din yung performance task namin, at gusto kong batukan yung sarili ko sa pabago-bago kong desisyon.
Hindi ko matapos-tapos ng matino yung pisti kong scrapbook. Tatanggapin ko na talagang wala akong pag-asa sa ganitong form ng sining.
Dahil napagod ako na tapusin yung dapat na ipe-present ko sa performance task namin ay napagdesisyunan kong magtanggal ng stress at gumawa ng kanta, dahilan para magkaroon ako ng ipe-present.
Tinanggap ko na din na sa musika talaga ako kaya naman ito na lang ang gagawin ko sa performance task, isama mo na din na wala na akong oras. Dalawang linggo bago yung araw ng performance namin, saka ko pa lang nasimulan yun.
Binasa ko yung final lyrics na nagawa ko at hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ko kung para kanino itong kanta na ito.
This song I made was both in reality and in my imagination. Nabuo na nan sa akin yung 'what if' questions.
What if, mahal niya din ako at pareho kami ng nararamdaman, all this time? Most of our memories and alone time happened during night, while we were looking up above the sky.
Whenever we are not able to see each other, I'm just looking at the night sky and smile, remembering our memories together.
At kung pareho nga kami ng nararamdaman sa isa't isa, then the stars, the moon, the cold air breeze and the street lights were our witness.
The performance task came at nakita ko na yung pagka-'extra' ng mga kaklase ko. Hanep. Mga competitive.
Marami silang pakulo, and I admire them. Their own form of art are amazing.
This school never really fail to amaze me.
Nandito kami sa auditorium ngayon and as usual, katabi ko si Don na kanina pa hinga ng hinga ng malalim.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
