Chapter 82

47 5 0
                                    

Sa kabila ng nangyari ay pinanatili kong focused ang sarili ko. Kahit punong-puno ako ng confusion at sakit sa damdamin, pinanatili kong huwag magpadala sa damdamin ko.

Sanay na naman ako sa ganito. Magpanggap na okay kahit gulong-gulo na ako sa nangyari. Pero bakit ang sakit pa din?

Nagpakatanga na naman ako at nagpakakampante. Masyado na naman akong naging komportable sa mga bagay bagay kaya ako nasasaktan ngayon. Ulit.

Dahil sa pag-alis ni Louielie ay bumalik ako sa dati. Walang kibo at parang laging galit sa mundo. Hindi ko alam ang dahilan bakit umalis siya, wala na naman sa amin ang nakaka-alam. I tried contacting her pero kada gagawin ko yun ay pinipigilan ko yung sarili ko.

Nakakasawa na din palang magpakatanga sa isang taong parang hindi ka pinapahalagahan yung damdamin mo? Ang hirap ng ganito na parang wala siyang paki-alam kung nasasaktan niya ako, basta ginagawa niya yung gusto niya, kahit ikakasira ko.

Hindi ko sinubukang tanungin sa kahit na kanino kung bakit siya umalis na naman. Mukhang alam ng buong production para sa concert ang dahilan, lalo na yung director, dahil walang nagtatanong sa kanila kahit isang linggo na ang lumipas.

Sa buong linggo na yun ay hindi kami nag-uusap ni Phil. May sama ako ng loob sa kanya hindi dahil hindi niya agad sinabi na umalis si Louielie. Masama ang loob ko dahil nagseselos ako. Nagseselos ako dahil sa kanya sinabi ni Louielie at hindi sa akin. Sumagi tuloy sa isip ko na baka siya ang gusto ni Louielie. Kaya lalo akong naiinis.

Is she using me to be near with Phil?

Wala nang tiwala kung wala nang tiwala, pero hindi ko na talaga alam ang iisipin ko. Nagkahalo-halo na yung mga ideas ko regarding sa rason niya.

Hindi rin naman halata sa iba dahil hindi naman kami madalas mag-usap ni Phil na nakikita ng karamihan. Pero sa buong banda, alam kong ramdam nila ng todo yung tensyon. Buti na nga lang ay hindi yun nakaka-apekto sa rehearsals namin. Ang kaso, para sa akin, patay ang tugtugan. Walang puso.

"Lounge. Now." Malamig na sabi sa amin ni Jin pagkatapos ng rehearsal namin para sa araw na ito.

Sabay sabay kaming pumunta sa lounge at pagkatapos nun ay agad na nagsalita si Jin.

"I've been trying to calm for a week now, but if you keep on being like this, then you left me with no choice." Nanggigigil na sabi niya. Tinuro niya kami ni Phil. "Kung hindi kayo mag-uusap bago ang concert, papaalisin ko kayo sa banda."

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. This is the reason why we don't want to see an angry Jin. Dahil kung ano ang masabi niya, he'll be decided, wala siyang pakialam kung magsisi siya, gagawin niya pa din yung gusto niya.

"Parang hindi kayo magkaibigan ng ilang taon! Parang hindi kayo magbest friend! Do you even realized that your issues are childish?! Pwedeng pag-usapan yon ng matino pero pinairal niyo yung emosyon niyo! Basta-basta kayong nagagalit without even knowing the reason! Para kayong mga bata!"

"You, Phil! You're mad at Donnie because he didn't told you that Melody's here? Sa tingin mo ba basta lang nagdecide si Donnie na hindi sabihin yun sayo? Basta-basta kang nagagalit dyan na hindi mo man lang inaalam ang buong storya!" Tumingin sa akin si Jin. "And you, Donnie! Why are you mad at him? Dahil sa kanya sinabi ni Louielie na aalis siya at hindi sayo? Alam mo din ba ang rason bakit hindi niya agad sinabi sayo?" Huminga siya ng malalim at nagsalita ulit. "Para kayong mga gago. Parang hindi kayo magkaibigan at hindi niyo muna inalam yung side ng bawat isa. Hindi na kayo natuto sa pagkakamali ng bawat isa dito. Dinadamay niyo pa yung buong banda sa kabobohan niyo."

Napatingin ako kay Phil at nakita kong tumingin din sa akin. Umiwas agad ako ng tingin at ibinalik yun kay Jin.

"Bibigyan ko kayo ng ultimatum. Kapag hindi niyo ginawa, Pasensiyahan na lang tayo." Sabi niya at lumabas na.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon