Sunod-sunod kaming pumasok sa bahay nila Jin dahil dito 'yung studio kung saan kami nagpapractice.
His parents has always been supportive to his interests kaya kahit bata palang ay may mga gamit na siya na pwede naming magamit everytime na magpapractice kami. May sari-sarili naman kaming gamit sa bahay namin pero dahil kumpleto na din sa bahay niya ay hindi na namin dinadala 'yun. Lalong-lalo na 'yung sa akin. Kapag may performance na lang kami, gaya ng mangyayari sa Friday.
Magkakaroon ng programme sa buong school kung saan lahat ng performing club ay magpe-present.
Sa school namin ay may limang performing clubs. Iyon ay Dance Club, Drama Club, Choir and Orchestra, Lire Band, at Music Club.
Medyo mahaba-haba ang programme na mangyayari kaya naman half day lang ang pasok namin noon pero required pa din na umattend ang lahat. Though alam ko naman na walang hindi aattend do'n kasi nakakaenjoy naman talaga at inaabangan 'yon ng lahat every year.
At dahil last year na namin ito, susulitin na namin ang lahat.
"Oh! Nandito na pala kayo." bungad na bati sa amin ng Mama ni Jin.
"Hello, Tita!" bati namin pero ako lang ang lumapit at yumakap.
Natawa naman ang mama ni Jin. "Ikaw talagang bata ka, napakasweet."
"Sipsip lang yan, Ma. Manghihingi ng pagkain yan." Sagot ni Jin.
"Selos ka lang." sagot ni Phil.
Tunawa namin kami dahil sa sinabi niya na ikinasimangot ni Jin.
"Osya, pumanhik na kayo doon sa studio nang maaga kayong matapos at hindi kayo gabihin. Ipapaakyat ko na lang 'yung meryenda at inumin niyo doon." sabi ni Tita.
"Yun oh!" sabay-sabay naming bunyi at umakyat na sa studio ni Jin.
Pagkaakyat namin ay nagsimula na kaming magset ng kanya-kanya naming instrumento.
Pumunta na ako sa drum set at chineck kung nakalock ba ng maayos ang mga keys saka ako pumunta sa cabinet sa gilid para kumuha ng basahan at pinunasan 'yung hi-hats, crash at ride. Gano'n na din ginawa ko sa mga tombs, snare at bass drum. Chineck ko na din kung nakakabit din ba ng maayos yung kick. Nang makitang okay na ay inayos ko na 'yung uupuan ko, trone kung tawagin. Nang makaupo ako ay sinubukan kong magsound check at pinalo-palo ang drum set na nasa harap ko. Noong narinig kong okay na ay nilingon ko 'yung iba na hindi pa tapos magset-up, lalong-lalo na si Phil at Jay. Understandable naman na 'yun dahil marami talagang kailangan na ikabit sa kanila na kung ano-ano.
Nakita kong nagseset-up si Jay ng effects at nagsaksak ng marami PL wire sa amplifier. Si Phil naman ay inaayos na lang ang pedal niya at ayos na siya. Habang si Brian at Jin ay nagtotono na lang which means tapos na sila magset up.
"Ayos na ba kayo?" tanong sa amin ni Jin matapos niya magtono.
Kanya-kanya kaming thumbs up at tango kaya naman ay nagdesisyon na kaming magsound check.
Random chords progression lang ang ginawa namin para matimpla at ma-adjust yung bawat volume namin.
Nang maging okay na ay nag-practice na kami ng mga kantang napagdesisyunan naming kantahin.
Per band ay allowed kaming magkaroon ng maximun of 3 songs kaya naman ang pinili namin ay 'yung alam namin at sigurado kaming makakakuha ng atensyon ng mga audience at mage-enjoy sila.
"Mag-iingat kayo, ah!" sabi sa amin ng Mama ni Jin. Matapos namin magpaalam na uuwi pagkatapos ng practice.
"Opo. Bye po." sabi namin.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...