Nang makarating ako sa company namin ay dumiretso ako sa basement parking lot dahil maraming media kung sa lobby ako dadaan at ipapa-park sa vallet yung kotse ko. Mas okay na dito dahil safe.
Nang mai-park ko na ang kotse ko ay pinatay ko na ang makina nito at lumabas na. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang 10th floor, yun ang pangalawa sa top floor ng building na ito at nandoon ang mga lounge ng mga signed artists namin.
Ang Kingston Recording building ay merong 11 floors. Yung 1st-3rd floor ay nandoon ang mga offices like Marketing, Finance, Logistics, Human Resource, and yung mga iba pang mga back offices. Yung 4th-9th floors ay yung mga dance studio, recording studio, cafeteria, gym, common lounge, sleeping quarters at conference room. Yung 10th floor ay yung mga private lounge ng mga artist na lahat kami ay meron. Yung 11th floor naman ay mga office ng executives.
Nakarating na ako sa 10th floor kaya dumiretso ako sa lounge namin. May mga nakakasalubong akong ibang mga artists na mas bata sa akin at binabati ako. Tinatanguan ko lang sila. Wala namang kaso sa kanila yun dahil hindi naman talaga ako pala-salita dito sa company. Kilala ako bilang reserved na tao at tahimik.
Honestly, hindi ako makapaniwala na dadating ako sa ganitong stage ng buhay ko, na magiging kilala bilang snob at hindi pala-kibo. Dahil kung tutuusin, kay Phil yung image na yun. Pero napunta sa akin.
Pero hindi ko na din inaasahan na babalik pa ako sa dati. Dahil kahit simpleng paghalakhak ko lang, biglang kikirot yung puso ko, parang pakiramdam ko, wala akong karapatang maging masaya. Kaya most of the time ay seryoso lang ang mukha ko.
Pitong taon na, kahit marami nang nangyari ay hindi pa din ako makausad. Pilit pa rin akong hinahatak ng pangyayari sa nakaraan.
Halos isang taon ko ding binitawan ang musika dahil hindi ko kayang tumugtog ng hindi umiiyak. Dahil lagi ko siyang naaalala tuwing tutugtog ako. Hindi ko pa din siya makalimutan.
Pero kung ikukumpara ko yung sarili ko kaysa sa mga nakaraang taon ay masasabi kong mas kaya ko na ngayon. Hindi ko masabing okay ako pero alam ko sa sarili kong kaya ko. Kaya ko nang magpanggap.
Binuksan ko na yung lounge namin at naabutan ko dun si Brian at Jay na nagkukwentuhan. Wala pa si Phil at siguro ay nasa byahe pa si Jin.
"Hey, Donnie!" Bati ni Jay at tinanguan ko lang siya. Nakipag-high five lang naman si Brian.
Nakisama ako sa kwentuhan nila pero hindi ako nakikisama sa pag-uusap nila. Nakikinig lang ako sa kanila dahil hindi naman ako nakakarelate sa usapan nila. Usapang girlfriend.
"Gagi ka. May bago ka na namang syota? Hanep ka." Sabi ni Jay kay Brian.
"Fling lang yon. Hindi ko naman sineseryoso yun eh. Siya din naman hindi nagseseryoso." Parang wala lang kay Brian yung sinabi niya dahil nagkibit balikat pa siya.
"Loko loko ka talaga. Kaya ka nababansagang malandi eh. Kung sino sino na lang yung mga babaeng kasama mo. Paano kung magkaroon ka ng AIDS, ha?!" Sermon ni Jay kay Brian.
"Anong AIDS? Gago ka ba? Paano ako magkakaroon nun kung wala namang nangyayari sa amin nung mga babaeng nagiging fling ko? Tamang hinala ka ah." Sagot ni Brian.
"Ay wala ba?" Inosenteng tanong ni Jay.
"Gago, wala! Hindi ko ginagalaw yung mga yun. Kaya nga ako nakikipaghiwalay sa kanila dahil sila ang nagbibigay motibo na gawin namin yon. Nakakaturn-off. Atsaka proud virgin ako." Paliwanag ni Brian.
"So, gusto mo ikaw ang magbibigay motibo?" Asar ni Jay sa kanya kaya nakatanggap agad siya ng batok.
Habang nagkukwentuhan sila ay nakita naming bumukas yung lounge at pumasok si Jin, Phil at Lianne.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomansaAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
