Isang linggo na ang lumipas simula noong nanalo kami sa Battle of the Bands. Maraming nagbago sa paligid. Pakiramdam ko ay mas lalong naging lively yung buong school dahil sa event na iyon. Mabuti na din na nag-enjoy sila at hindi na nalaman ng iba yung nangyari behind that competition.
Hanggang ngayon ay binabati pa din iba naming ka-school mate. May mga nagsabi sa amin na hindi daw nila napanood yung event, sana daw may video. Fortunately, Mom took a video of us last week. Kaya naman tinanong ko sa ibang kabanda ko kung pwede i-post. They all agreed kaya naman noong Monday ng gabi ay pinost ko na.
Today is Friday, ito yung araw na magpipresent kami ng performance task sa MAPEH. Kung kinakabahan ako noong BOTB, mas kinakabahan ako. Because if I fail here, baka sobra kong pagsisihan. Buhay pag-ibig ko ang nakasalalay dito.
Minsan natatawa ako sa sitwasyon ko. Kung iisipin, dati wala naman akong pakialam sa mga ganito. Inaasahan ko nga na hindi na ako magkakagirlfriend. Inaasahan ko na magiging habambuhay single ako.
Kung aalalahanin ko yung sitwasyon ko last year, sa ganitong panahon, nagbubulakbol na ako ngayon. Walang pakialam sa mundo at nangtitrip lang ng mga kaklase.
Pero tignan mo nga naman ang pagkakataon, isang taon lang ang lumipas pero heto na ako ngayon. Kabado hindi dahil sa mismong performance task, kundi dahil sa pag-aalayan ko ng kanta na kakantahin ko mamaya.
Isa pa yon. Hindi ako kumakanta dahil alam ko sa sarili kong pangit ang boses ko. Pero ngayon, naeexcite pa akong marinig niya yung boses ko. Things you do for love. Hays.
"Okay ka lang? Kanina ka pa buntong hininga ng buntong hininga." Sabi ni Lou na nasa tabi ko.
"Yeah. Kinakabahan lang ako." Sagot ko sa kanya.
Nginitian niya ako at tinapik tapik pa ako sa balikat. "Pusuan mo lang at huwag ka masyadong mapressure."
"Pusuan?"
"Oo. Pusuan. Just let your heart out. Before the people appreciate your form of art, appreciate yours first."
Tinititigan ko lang siya habang nagsasalita siya. Hindi lang talaga mukha at kalooban ang maganda sa kanya. Her words too. It makes her more beautiful.
Nung napansin niyang nakatitig lang ako sa kanya ay tumaas yung kilay niya. "Bakit ganyan ka makatingin?"
Umiling ako habang nakangiti. "Wala naman. Ang ganda mo lang."
Nakita ko namula yung pisngi niya kaya hindi ko naiwasang kurutin yung magkabilang niyang pisngi. "You're so cute!"
Inalis niya agad yung kamay ko sa pisngi niya at ngumuso. "Akala ko ba naglevel up na ako sa sa pagiging cute? Diba maganda na ako, sabi mo?"
"Kasi kahit cute ka, maganda ka pa din. Kahit maganda ka, cute ka pa din. You're that kind of amazing."
Namula na naman siya dahil sa sinabi ko at inirapan lang ako pero nakangiti naman. Mahina akong napatawa dahil don.
Nandito kami ngayon auditorium dahil nga performance task namin. Marami akong kaklase na ang daming pakulo pero hindi ko na sila hinuhusgahan dahil binigyan kami ni Sir Red ng freedom para magpresent ng sarili naming art na gusto ipakita. Syempre, bawal yung explicit content. Matik na naman yun. Kasama namin yung tatlong sections na hinahandle ni Sir kaya medyo marami kami.
Sa buong tropa, ang alam ko ay lahat kami tutugtog at kakanta maliban kay Jin na magva-violin solo. Bigla akong may naalala.
"By the way, ano nga palang gagawin mo mamaya? Hindi mo pa sinasabi sa akin." Tanong ko kay Lou nang mapagtanto kong hindi ko pala alam yung gagawin niya.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...