Three weeks ago, before I executed this plan, I talked to the most important person in both of our lives, our parents.
"Mommy, I'm going to court Lou." Sabi ko kay Mommy.
"Kailan mo sasabihin sa kanya?" Tanong ni Mommy.
"After po ng performance task namin. Para wala na kaming iisipin pare-pareho."
"Hmm. Okay. I'll support you all the way, Baby. May tiwala naman akong hindi ka mananakit ng babae at alam kong marespeto ka. Kaya panatag ako sa gagawin mo. Just make her happy. She deserves that. Basta huwag kang gagawa ng kalokohan ah!"
Napangiti ako sa sinabi ni Mommy at hindi ko napigilang yakapin siya. "Thank you, Mommy! I love you!"
"I love you too, Baby!" Sabi ni Mommy at humiwalay sa yakap. "Ask permission first sa parents niya."
Tumango ako ng nakangiti." Yes, Mommy."
Itinaon kong wala si Louielie sa bahay nila bago ako pumunta sa kanila. Napag-alaman kong isinama pala siya ni Ate Kris sa mall kaya naman agad kong tinext si Tito Louis na kung pwede siyang makausap.
Pumunta ako sa bahay nila at siya lang nadatnan ko dun. Medyo kinakabahan ako dahil ngayon ko lang gagawin ito. Pero bahala na. Kung ano man ang maging resulta, at least I tried.
"Anong gusto mong pag-usapan, Donnie?" Tanong ni Tito sa akin nang makaupo kami sa sofa sa sala. Magkatapat kaming dalawa kaya kitang kita ko yung pagiging seryoso ng mukha niya.
Tumikhim muna ako bago tumingin ng diretso kay Tito Louis. "Magpapaalam po ako sa inyo. Pwede ko po bang ligawan si Louielie?" Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal habang sinasabi iyon.
Nakita kong natigilan siya at bakas sa mukha niya ang gulat. Tumaas pa yung dalawa niyang kilay at umawang ang labi.
"P-paki-ulit nga? Para nabingi ako." Sabi ni Tito Louis.
"Pwede ko po bang ligawan si Louielie?" Ulit ko sa tanong ko. Mas magaan na yung pakiramdam ko ngayon. Medyo wala na yung kaba pero ninenerbyos pa din ako sa magiging sagot ni Tito Louis.
Tinignan niya ako ng seryoso. Sumandal siya sa kinauupuan niya bago nagsalita. "Sigurado ka bang panliligaw lang ang hinihingi mo ng paalam sa akin? Hindi mo ba hinihingi yung kamay ng anak ko sa kasal?"
Medyo nagulat ako sa sagot ni Tito Louis pero hindi ako nagpatinag at kalmadong sumagot. "Next time na po yun, Tito. Kapag successful na kami pareho."
"So, may balak kang pakasalan si Louielie?"
"Opo." Mabilis na sagot ko ng walang pag-aalinlangan.
Bakit ba magsisinungaling pa ako kung sigurado naman ako sa nararamdaman ko.
"Ang bilis ng sagot ah. Siguradong sigurado. Paano kung hindi ako pumayag?"
"I'll do anything, Tito, para pumayag po kayo. And I'll keep asking for your permission hanggang sa pumayag kayo."
"Paano kung ayaw kita para sa anak ko?"
"Gagawin ko po ang lahat para mapatunayan sa inyo na deserving po ako para kay Louielie." Mabilis na sagot ko.
Tinitigan lang ako ni Tito Louis at hindi na siya nagtanong pa. Habang ako naman ay nakangiti lang sa kanya.
Tumikhim siya bago magsalita ulit. "Hindi ka pa ba nanliligaw kay Louie? Bakit pakiramdam ko yung mga ginagawa mo kay Louie, panliligaw na yun?"
"Kung sa tingin niyo po ay panliligaw na yun, edi mas dodoblehin ko pa kapag nanligaw talaga ako."
I heard him chuckled dahil sa sinabi ko. "Tinuruan ka ba ni Red na sumagot sa mga tanong ko? Para kang praktisado ah."
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...