"Marahuyo! Marahuyo! Marahuyo! Marahuyo! Marahuyo!"
I can hear the screams, cheers, fanchants and shouts of the crowd for us. Tila nagbibigay enerhiya ito sakin na magpatuloy pa sa pagtugtog kahit alam ko sa sarili kong pagod nako. Kahit alam ko anytime parang magkocollapse nako. Pero sa tagal nang panahon na ginagawa namin 'to, parang wala na lang yung pagod. Dahil mas matindi pa dito yung pinagdaanan namin.
"Jin! Isang tingin lang please!"
"Phil! Mahal na mahal ka namin!"
"Jay! Ang pogi mo!"
"Brian! Ngitian mo lang ako pwede nakong mamatay!!"
"Don! Ang gwapo gwapo mo! I love you!"The moment I heard someone shouts my name with an 'I love you' on it, everything came back. Seems like there's projector playing our memories like a movie in front me.
There is only one person who is calling me 'Don'
"Don, I love you. And I don't know what to do If I lose you."
"And you clearly know that I love you more, right? You will not lose me. I'll never gonna lose you. I won't let that happen. Remember that." I kissed her forehead after I said that. God! I really love this girl so much! Isang ngiti niya lang pakiramdam ko alam ko na yung solusyon sa lahat ng problema sa mundo.
Best memories of us, pero hindi kailanman sumagi sa isip ko na 'yun na pala ang huli.
She calms me. But not anymore.
Ipinilig ko ng marahas ang aking ulo para mawala sa isip ko yung mga alaalang pilit ko nang kinalimutan at tumingin sa harap habang pumapalo sa drums na siyang instrumento ko. Dito dapat ako magfocus. Hindi sa kung ano mang walang kwentang bagay.
"So guys! Nakakalungkot mang sabihin pero itong sunod na kanta ang huli naming kanta para sa inyo. Sana nag enjoy kayo sa pakikisaya sa amin ngayong araw." Sabi ng aming leader at rhythm guitarist na si Jin.
Narinig ko naman ang iba't ibang daing ng mga tao dahil sa sinabi niya. Sinamahan pa nila ng nalulungkot din na expresion ng mukha nila. Natawa ako ng bahagya dahil d'on.
"Huwag kayong mag-alala! Marami pang next time guys! Sana sa next time na 'yon suportahan niyo pa din kami!" Sabi ni Jay. Ang aming lead guitarist.
"Tama tama! Maasahan ba namin kayo? Sigaw!" Sabi naman ni Brian na aming bassist. Pagkasabing pagkasabi niya n'on ay naghiyawan ang mga tao at kanya-kanya ng pagsang ayon.
Tanging ngiti lang ang iginanti namin ni Phil sa kanila. Tahimik naman kasi yang keyboadist namin. Samantalang ako, tinatamad magsalita.
Sinimulan na ni Jin ang pagkaskas sa kanyang gitara na sinuportahan naman ni Phil na nagtipa sa kanyang keyboard.
Pagkarinig na pagkarinig ko pa lang ng mga nota na tinipa nila, alam ko na agad. Sa lahat ng kanta namin, itong kanta na ito ang higit na nagmamarka sa isip ko. Bukod sa napakaganda nito, na hindi ko na talaga itatanggi kahit anong gawin ko, siya kasi ang gumawa ng awiting ito. Awitin na para sakin.
Siya na nagbigay ng kulay sa buhay kong malungkot. Siya na tanging nagpapasaya at nagpapakalma sa magulo kong mundo. Siya na tanging nagmahal sakin sa kung sino at ano ako. Siya na kahit nagmumukha siyang ewan sa pagsigaw ng pangalan ko sa tuwing tumutugtog, masuportahan lang ako, ayos lang sa kanya. She's my best friend, no. 1 fan, supporter, yet she is the one who ruined me. Siya, na nagbigay ng lahat ng magagandang alaala sakin, ay siya din palang wawasak ng mga 'yun.
Totoo nga 'yong kasabihan na kung sino 'yong may kakayahan na magbigay sayo ng kasiyahan, ay siya din palang may higit na kakayahan na magbigay sayo ng sama ng loob at sakit sa damdamin.
"Salamat sa inyong lahat! See you soon! Keep on supporting us! We love you all!"
Matapos namin magpaalam sa mga fans na nanood sa concert namin ay sabay-sabay na kaming bumaba ng stage. Lahat kami pagod pero napakasaya namin dahil naging successful ang concert na pinakahihintay namin dahil isa ito sa bunga ng paghihirap namin sa nakalipas na mga taon.
"Congrats sa atin guys! We all did a great job! Nakakaproud!" sabi ni Brian na ngiting-ngiti. Halata sa mukha niya na satisfied siya sa ginawa namin.
"Ang galing natin kanina! Keep up the good work! Onti-onti na natin naaabot yung goal natin. Huwag lang tayong mapagod. Okay? Congrats satin!" ani Jin at in-apir-an kami isa isa. Halata din sa mukha niya na proud siya sa 'min bilang leader at parang kuya ng bandang 'to.
Naging tahimik lang ako habang nagpapahinga kami at nagliligpit ng gamit ang mga staff.
Matapos ang ilang minutong pagpikit at pagsandal sa sofa, nakarinig ako ng katok sa pinto. Hindi ko na sana papansinin pero katawan ko na mismo ang nagrespond sa boses na narinig ko. Napadilat ako bigla.
"Hello guys! Congrats sa successful na concert."
Shit. That voice.
"Uy Louielie! Salamat ah!" sabi ni Phil. Himala nagsalita. Tss.
"Salamat din sayo kasi isa ka sa mga nagcontribute ng mga kanta na kakantahin namin ngayon. So congrats din." sabi ni Brian na ngiting ngiti.
"But you made it possible and the songs turns out good. I'm proud of you." habang sinasabi niya yung huling mga salitang sinabi niya, nakatingin siya sa 'kin.
Proud? Really.
Nagusap usap pa silang lahat. Hindi na ako nakisali. Nakatingin lang ako sa kanila. Sa kanya.
It's been years. She's still the Louielie I've known. The only thing that change is her physical aspects, In a positive way. She became taller, more beautiful and fierce-looking.
But I can't read her emotions through her eyes, because I couldn't look into her eyes anymore.
Siguro naramdaman niyang may nakatitig sa kanya kaya napatingin din siya sa 'kin. Agad akong nag-iwas ng tingin at sumandal sa sofa.
"Pwede na ba tayong pumunta sa sasakyan Jin? I'm tired." Sabi ko nang nakapikit. Para effective ang acting. Pa-cool lang. Kunwari hindi nahuling nakatitig.
"We all are."
"Mauna nako dun." Naglakad nako palabas. Ramdam ko 'yong tingin niya pero 'di ko tinangkang tumingin. Ayoko nang tumingin.
Baka mahulog na naman ako.
Bago ko siya lagpasan ay nakita kong parang nalungkot yung mukha niya.
Anong dahilan? Bakit ka malungkot? Bakit parang ikaw yung nasasaktan?
'di ba ikaw yung nang iwan?
![](https://img.wattpad.com/cover/233566951-288-k14046.jpg)
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
Любовные романыAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...