"So, ang next song na tutugtugin namin ay ang aming original composition na entry para sa competition na ito. It is entitled 'Tambay' so this song were composed and arranged by all of us. This song talks about our story everytime na nagsasama sama kami. At isa mga pinagkakasunduan namin bilang magkakaibigan ay musika. Sana magustuhan niyo itong kanta namin."
Habang nagsasalita si Jin ay napadako ang tingin ko sa sa kaliwang bahagi ng stage, kung saan nandoon yung mga participants na tapos nang tumugtog. Nahagip ng mata ko yung Nutshells na nakangisi sa amin. Nang tumingin sa akin yung isang nakangisi ay ginantihan ko din iyon ng ngisi.
Akala niyo maiisahan niyo kami? Assholes.
Sumenyas si Jin na magsimula na kaya nagbilang na ako. Sa intro pa lang ay nakita ko nang napatango tango yung mga judges. Nakita ko din sa kabilang banda si Ate Kris at Sir Red na nakangiti sa amin. Ganun din ang itsura ni Melody habang kumukuha ng mga litrato. Gaya ng napagplanuhan, si Lou ang pumalit kay Jin sa rhythm guitar at si Jin naman ay lumilibot sa stage habang kumakanta na parang nasa concert.
Makikisilong lang
Magpapalipas ng ulan
Kwentuhan lang ang katapat (kwentuhan lang ang katapat)
Pero mas masaya kung ilabas ang gitaraBigyan ng ingay itong gabi
Walang tahimik na sandali
Tara na
Umawit kasabay ng kantaHabang tumutugtog ay nakikikanta ako. Mas feel na feel ko yung lyrics nito kaysa sa una.
Tumatambay at nagkakatitigan
Alam naman nila kahit na 'di mag-aminan
Tumatambay at nagkakaigihan
Ito ang ating kwento (abot tainga ang ngiti ko)
Ituloy mo lang ang kwento at tayo'y gagawa ng kantaHabang nasa chorus na ay hindi ko alam kung bakit pero napatingin kami bigla ni Lou sa isa't isa. Kaya mas lumapad ang ngiti ko. Gaya ng nasa lyrics, abot tenga ang ngiti ko.
Tayo'y umawit pa
Hanggang malimot ang ulan
Damdamin ko'y ilalahad (damdamin ko'y ilalahad)
Sa bawat himig, ang buhay, lagyan natin ng kulayBigyan ng ingay itong gabi
Walang tahimik na sandali
Tara na
Umawit kasabay ng kantaTumatambay at nagkakatitigan
Alam naman nila kahit na 'di mag-aminan
Tumatambay at nagkakaigihan
Ito ang ating kwento (abot tainga ang ngiti ko)
Ituloy mo lang ang kwento at tayo'y gagawa ng kantaNoong magchorus na ay Drums lang tutugtog doon kaya naman si Lou, Jay, Brian at Phil ay nakisama sa palakpakan.
Tumatambay at nagkakatitigan
Binulong ko na 'to dati kung nakikinig ka lang
Tumatambay at nagkakaigihan
Ito ang ating kwento
Ituloy mo lang ang kwento at tayo'y gagawa ng kanta
(Ito ang ating kwento, abot tainga ang ngiti ko)
(Ituloy mo lang ang kwento at tayo'y gagawa ng kanta)Sa last chorus ay magchichange key, noong dumating nasa bagsakan ay sabay sabay kaming naghead bang na ikinahiyaw ng audience.
Tumatambay at nagkakatitigan
Alam naman nila kahit na 'di mag-aminan
Tumatambay at nagkakaigihan
Ito ang ating kwento (abot tainga ang ngiti ko)
Ituloy mo lang ang kwento at tayo'y gagawa ng kanta
Gagawan ka ng kanta
(Tambay, oh-whoa-whoa) Gagawan mo ng kanta
(Tambay, oh-whoa-whoa)
Ito ang ating kwento, abot tainga ang ngiti ko
Ituloy mo lang ang kwento at tayo'y gagawa ng kanta
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...