Dahil nandito lang kami ni Louielie sa bahay nila ay dito lang din kami naghahanap ng mapaglilibangan. For almost 1 week na nandito ako at kasama siya ay walang dull moment. Kahit bored kami pareho, kahit nakaupo lang kami sa isang tabi ay parang ang saya na namin. Kuntento na kami na magkasama kami.
At dahil wala ulit kaming mapagdiskitahan na gawin ay nandito kami ngayon sa live room ng studio niya at tumutugtog ng kung ano-ano.
"My Love, may ipaparinig ako sayo." Sabi ko at umupo sa harap ng keyboard niya doon. "Noong college ako, may subject kami na Arts tapos nagpapresent sa amin ng kanta na para sa amin ay gustong-gusto naming aralin."
"Ano yung pinresent mo?" Tanong nya.
"Eto."
Tinugtog ko sa kanya yung intro ng If We Fall In Love. Nakita kong tumaas yung dalawa niyang kilay. "Aba! Marunong ka na!"
"Whenever I missed you, lagi kong pinapakinggan yung kanta na bigay mo sa akin. Naisipan kong aralin yun. Nagpaturo ako kay Phil kung paano tumugtog ng keyboard." Sabi ko at huminto saglit sa pagtikla sa keyboard. "Hanep! Ilang buwan ko tong inaral! Ang hirap pala nito!"
Natawa siya dahil sa sinabi ko. "I only made that song for 3 weeks, I think. Natapos ko siya nung panahong nilalagnat ka nun."
"Really?" Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.
Hanep. Three weeks? Eh halos 3 months kong inaral tong kantang to.
Sabagay. Kasi siya, marunong na siya bago pa niya magawa yung kantang to. Samantalang ako, nag-aral pa bago makatugtog ng maayos.
Pero kahit na, ang lupit niya pa din. And I'm proud that she's mine.
"Sinimulan ko yan nung nagiging crush na kita." Dagdag niya.
Natigilan ako dahil sa sinabi niya, hindi dahil nagulat ako kundi dahil biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Parang bigla ako kinapos ng hininga.
Kinilig ako.
Tinignan ko siya at puno ng curiousity na nagtanong. "Kailan mo ba ako naging crush?" Nakangisi ako habang nakatingin sa kanya.
Kumunot yung noo niya. "It sounds like you're teasing me but I’ll still answer you." Tumikhim siya. "May hindi ako sinasabi sayong sikretong malupit eh. Nahihiya kasi ako na ipaalam sayo. Sabihan mo pa ako ng stalker."
"Stalker?" Napakunot yung noo ko.
"One week before ng pasukan, yun yung una kong kita sayo. Naglalakad ka sa subdivision non. Naglilibot na din ako kasi bagong lipat pa lang kami. Nakasalubong kita nun kaso nakatingin ka sa kawalan kaya hindi mo ako napansin. Na-curious ako sayo kaya sinundan kita magmula Phase 4 hanggang phase 1, kung saan ang bahay niyo. Inalam ko kung doon ka nakatira sa subdivision na din na yun." Pagkukwento niya. "Ano kasi... Ang... Pogi mo nun. Kaya sinundan kita. Simula nun, tuwing lalabas ako ng bahay at mapapadaan sa street niyo ay tinitignan ko kung lalabas ka. Ang galing nga kasi lagi kitang natyetyempohan na palabas din tapos pupunta sa bahay nila Phil. Maliban nga lang nung nagkasakit ako. Tsaka pasukan na din kaya hindi na kita nakikita na lumalabas."
Nakangiti lang ako habang nagkukwento siya dahil natutuwa ako. Biruin mo yun, sa aming dalawa, siya pala yung unang na-attract. Tapos pinagdududahan ko pa dati kung mahal niya ako o hindi.
Tumayo ako at lumapit sa inuupuan niyang monoblock. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan yung kamay niya. Inilagay ko yun sa magkabilang pisngi ko.
"Why are you hot?" Tanong niya.
"I don't know. I was born that way." Biro ko sa kanya pero alam ko naman talaga ang ibig sabihin tanong niya.
Naramdaman niya sigurong ang init ng mukha ko. Kasi naman putakte, kinikilig ako sa sa kwento niya.

BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
Roman d'amourAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...