"Himala. Sa akin ka sumabay ngayon ulit. Akala ko nakalimutan mo na ako eh." Sabi ni Phil habang naglalakad kami palabas ng subdivision.
"Hindi makakapasok si Lou eh. May lakad sila ni Tito Louis." Sagot ko. "Wala yung driver niyo?"
"Bakit? Tamad ka na maglakad? Bumili ka ng kotse." Sagot ni Phil.
"Gagi. Hindi. Loko loko. Nagtaka lang ako kasi hindi ka nagkotse ngayon."
"Si Mommy yung nagpahatid sa driver ngayon eh kaya nagcommute na lang ako. Tsaka kasabay kita eh."
"Naks. Kikiligin na ba ako?" Mapang asar kong sabi sa kanya.
"Huwag kang kiligin. Ayaw lang kita pasakayin sa kotse."
"Grabe ka. Parang hindi best friend eh."
Friday ngayon at magkasabay kami ni Phil na pumasok sa school dahil hindi makakapasok si Lou ngayon. Ngtext siya sa akin kagabi na may pupuntahan daw sila ni Tito Louis. Tinanong ko nga kung saan pero hindi niya naman sinabi. Hindi na ako nagpilit na sabihin niya kasi kung gusto niyang malaman ko, sa simula pa lang ay sasabihin niya na yun. Mabuti na din to na nakasabay ko si Phil. Matagal tagal na din kaming hindi nagkakasabay at nagkaka-usap. Masyado ata akong nafocus kay Lou na hindi ko na siya nakakakwentuhan.
"Kamusta ka naman?" Tanong ko bigla.
Huminga siya ng malalim dahil sa tanong ko. Alam ko kapag ganito siya. Hindi niya sasabihin yung famous 'ayos lang' line dahil alam kong hindi talaga siya ayos.
"Hindi ko alam. Ang gulo ng sitwasyon ko." Sagot niya.
"Huh? Bakit naman? Ano nangyari?" Tanong ko.
"Si Melody."
"Oh? Ano meron sa kanya?"
"Nahihirapan ako sa kanya."
"Bakit mo pa kasi tinanggap yung offer ni Maam Veron?"
"I thought it is just a simple request. Yun pala, ang tindi."
Tinawanan ko siya dahil dun. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaproblemado dahil sa isang bagay na kung tutuusin ay simple lang. Pero mukha ngang hindi simple yun.
May hindi siya kinuwento noong naglaro kami. Una niyang nakita si Melody sa mall na school mate pala namin. Melody is a badass stubborn student na walang pakialam kung anak siya ng teacher. Basta gagawin niya ang gusto niya. She's a trouble maker pero hindi mo kukwestyonin dahil mabait din naman at walang binubully na estudyante.Since si Phil ang isa sa pinakamatino sa mga estudyante sa school ay pinakiusapan siya ni Maam Veron na patinuin si Melody at itutor na din. Kung titignan si Melody, talagang matigas ang ulo niya dahil kahit si Maam Veron na masungit ay hindi siya mapatino.
"Eh kayo ni Louielie, kamusta?" Tanong niya na nagpagimbal ng sistema ko.
Hindi ko alam kung anong mararamadaman ko. Sasaya ba ako dahil naalala ko si Lou o malulungkot dahil hanggang ngayon, hindi pa din ako nakakadiskarte kung paano siya papaibigin dahil may nagugustuhan nga siya.
"Ayos naman kami. Ganun pa din. Kung ano kami nung umpisa, ganun pa din hanggang ngayon. Friends." Sagot ko.
I heard him chuckled kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit ka tumatawa?"
"Eh kasi, parang ang sama pa ng loob mo na magkaibigan kayo. Ayaw mo nun? Ikaw nga ang pinakaclose niya sa ating lahat. Yung tipong kapag may ikukwento siyang tungkol sa past niya o sa buhay niya, parang nanghihingi pa siya ng permiso sayo na ikwento yon."
Since he mentioned that, napapansin ko nga na ganun siya. It's like she is asking for strength from me para makwento yon.
"Napaka-observant mo talaga." Sagot ko na lang.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
