Chapter 36

57 5 0
                                        

Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa may park malapit sa school.

Umupo ako sa isa sa mga bench at tumulala. Naging blangko bigla ang utak ko dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon, sa school na pinag-aaralan ko, kausap yung teacher naming masungit na biglang bumait sa akin at tinawag na 'pamangkin' yung sinasabi nilang kamukha ko, katindig ko at kapareho ko kumilos.

So, ano to? Kamag-anak ko sila?

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Halo halo na hindi ko na maintindihan kung ano bang uunahin ko. Ayoko munang unuwi dahil hindi ko kayang itagao yung ganito ko itsura ngayon. Madali akong mabasa kaya naman iiinterrogate ako ni Mommy. I don't want to tell what happened earlier.

Nandito na siya. Nagpakita na ulit siya. Anong balak niya? Bakit ginugulo niya kami? Bakit ngayon lang?

Ilang minuto akong nakaupo sa bench ng mag-isa nang may tumabi sa magkabila kong side. Hindi na ako nagulat na mayroon hahabol sa akin dahil ganyan kami, kapag may problema kami ay hindi namin hahayaan ang isa sa amin na mag-isang maghirap at dalhin ang bigat nun. Pero ang ikinagulat ko ay lahat sila, nandito. Including Brian na hindi namin kasabay kanina.

Ilang sandali pa ang lumipas at wala pa ding nagsasalita sa amin. Sila, nangangapa sa sasabihin habang ako naman ay hindi alam kung paano sisimulang sabihin sa kanila yung saloobin ko. Pero naisip kong simulan sa umpisa para malaman nila kung saan nanggagaling yung bigat ng nararamdaman ko.

"Hindi mo kailangang magkwento agad kung hindi ka pa handa. Basta lagi mo lang tandaan na nandito lang kami." Sabi ni Jin.

"No.." mahinang sabi ko. "Ikukwento ko na."

Kinuwento ko yung buong pangyayari na naging sanhi ng iniipon kong galit sa tatay ko. Nakinig lang sila at nagtatanong paminsan minsan pero hindi sila nagrereact. Tanging ginawa kang nila ay makinig.

Matapos kong magkwento ay pakiramdam ko ay gumaan yung loob ko at nabunutan ako ng isa sa maraming tinik sa dibdib ko.

"He introduce his self ealier as Melody's uncle, kasi kapatid siya ni Maam Veron, and also, as your Dad. Nagulat kami dahil akala namin patay na ang Daddy mo kaya hindi namin siya nakikita at hindi mo din nababanggit. Kaya naman pala, malaki pala ang galit mo sa kanya." Sabi ni Jay.

"So, it's confirmed. Melody's my cousin and Maam Veron is my aunt? Assumptions ko lang yun kanina." Matamlay na sabi ko.

"Bakit hindi mo alam? I mean, they are you're relatives. Maiintindihan ko kung half siblings sila, pero buo eh." Tanong ni Lou sa akin.

"I didn't have a chance to meet my relatives in my father's side. Siguro noong sobrang bata ko pa pero hindi ko na maalala."

"Oh. That's why."

"Well. You feeling better now?" Tanong ni Jin.

Pinakaramdaman ko naman yung sarili ko. Hindi pa. Hindi pa ako okay. Pero pinilit ko pa din ngumiti ng tipid sa pinaka sincere na paraan na alam ko.

"Tara, kain tayo streetfoods! Ginutom ako bigla!" Sabi ni Jin noong nakita niya akong ngumiti.

"Uy, gusto ko yan! Libre mo kami, Jin?" Tanong ni Brian.

"Oo na. Sige na. Ngayon lang to ah! Para macheer up si Donnie."

"Ano ako? Bata? Kailangan ng pagkain para macheer up?" Tumayo ako bigla at nauna nang maglakad. "Syempre naman! Lalo na kung libre!"

Narinig kong nagsabi sila ng kung ano ano sa akin na tinawanan ko lang. Sinabayan na din nila ako sa paglalakad. Dumapo ang tingin ko kay Lou na nakatingin din sa akin na parang inoobserbahan ako. She raised her thumb, asking me if I'm okay. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Ngumiti din siya sa akin. At nang dahil sa ngiti na yun, mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Hays! Ano bang ginagawa mo sa akin, Louielue Aurora Tencio?!

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon