"You okay?"
Kumurap kurap ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Yes. Okay lang ako."
Lumapit ako sa may railings at tumanaw sa paligid. Hapon na kaya medyo maaliwalas na yung sikat ng araw.
"Mukha kang galit. May nangyari ba?" Tanong niya nang makatabi siya sa akin sa railings.
Huminga ako ng malalim nang maalala yung pag-uusap namin ni Mommy. "Nakwento ko na sayo yung nangyari kay Mommy at Daddy diba?"
Tumango naman siya bilang tugon.
"He contacted Mom again yesterday at pati ngayon, tinitext niya si Mommy na makipagkita sa kanya."
"Anong sabi ni Tita Jen?" Tanong niya.
"She is considering the idea of talking to Dad again."
"Edi mabu-"
"Pero hindi ako." Putol ko sa sasabihin niya.
Napahinto siya sa sasabihin niya kaya imbis na magsalita ay nagtanong na lang siya. "Why?"
"I still can't talk to him right now. Baka kung anong magawa ko kapag nagkataon."
"Edi don't."
Lumingon ako sa kanya at hindi ko napigilang sumama yung tingin sa kanya pero pabiro lang. Tinawanan niya lang naman ako.
"Just kidding. Pero seryoso. Kung hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin. Walang mangyayaring maganda kapag pinilit ang isang bagay, diba? And another thing, kung nako-consider na ni Tita Jen yung ganung thought, it means that maybe she's starting to move on and move forward. Remember, even if you don't want you Mom's decision, kahit iparamdam mo lang sa kanyang suportado mo siya. Makakatulong yun sa kanya na gumawa pa ng mas magandang desisyon tungkol sa bagay na yan. Don't leave your Mom's side, Don. You don't want her hurt, right?"
Huminga ulit ako ng malalim. She's right. I think Mom can handle that thing already kaya nagsisimula na siyang gumawa ng hakbang. Narealize ko din na ngayon lang kami nagkasagutan ni Mommy. Maybe I should apologize to her later.
"Balik na tayo sa baba. Baka hinahanap na nila tayo." Yaya niya sa akin.
Nauna na siyang maglakad sa akin ngunit bago pa siya makapasok sa pinto ay nahawakan ko na yung kamay niya.
It feels so soft at ang sarap hawakan. I can be like this forever, I won't mind.
"Thank you, for being here." And thank you for coming into my life.
"Anytime, Don. Nandito lang ako lagi para sa'yo."
Sabay na kaming bumalik sa sala. Nasa hagdan kami nang makasalubong namin si Mommy. Nagpaalam na si Lou na mauuna na siya pababa.
Nang makaalis si Lou ay lumapit si Mommy sa akin.
"Donnie, Anak. Are you mad at me?"
Umiling ako. "No, Mom. I'm just pissed."
"Why did you walk out?"
"Baka kung anong masabi ko sayo na pagsisisihan ko balang araw." Sabi ko. Lumapit ako kay Mommy at yumakap sa kanya. "I'm sorry, Mommy."
"It's fine. I understand you."
Yumakap pa ako saglit kay Mommy bago siya nagpaalam sa akin na aakyat muna sa office niya dahil may kailangan siyang gawin.
Nung bumaba ako sa sala ay nagtaka ako dahil nakagilid na yung center table at nakapabilog na sila.
"Anong ganap niyo?" Tanong ko at nakiupo na sa kanila. Katabi ko si Brian at Ada.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
Roman d'amourAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
