Chapter 33

58 5 0
                                    

Nakita naming pumalakpak si Lolly na nasa control room matapos niyang magpindot sa computer doon, ayon sa ininstruct sa kanya ni Lou kanina bago kami magstart ng recording.

Kahit hinihingal ay ngumiti ako at tinanggal yung headphones na suot ko. Nilingon ko yung iba at kita ko sa mukha nila na satisfied sila sa ginawa namin. Nakangiti din sila at parang relieved din dahil tapos na namin irecord yung kanta na nagawa namin para sa BOTB matapos ang ilang oras na pagpapractice para maperfect yun.

"Tara sa labas. Pakinggan natin." Sabi ni Lou habang hinuhubad yung strap ng electric guitar sa balikat niya.

Pumayag naman kami at isa isang lumabas sa live room. Nakangiting Lolly ang bumungad sa amin pagkalabas namin.

"Ang galing niyo talaga! Kaya gustong gusto ko kayong pinapanood eh." Sabi niya sa amin nang makaupo kami sa sofa. "Naeexcite akong mapanood kayo sa Battle of the Bands. Sana lang talaga, payagan ako magpagabi."

"Gusto mo, ipagpaalam kita?" Sabi ni Jay. Nako. Dumidiskarte na naman to.

Kaagad namang umaliwalas ang mukha ni Lolly nang marinig yon. "Talaga? Sige sige. Ipagpaalam mo ako."

"Okay. Ako na lang din maghahatid sayo pauwi." Sagot ni Jay at nagthumbs up naman si Lolly.

"Eto na guys. Pakinggan natin." Nalipat ang atensyon ko kay Lou na siyang nagsalita. Nandun siya sa may computer niya at inaayos yung recording.

Pinindot niya na yun play button at lahat naman kami ay attentive na nakinig sa tumutugtog.

Habang nasa intro na ay hindi ko maiwasang mapangiti. Dahil kami ang in charge ni Jay sa arrangements, natutuwa ako dahil sa intro pa lang ay nasunod na agad yung suggested kong dapat marinig para makadagdag ng feels sa kanta.

Nang matapos namin pakinggan yung kanta ay sabay sabay kaming napabuntong hininga.

"Hay! Salamat naman at maayos na! Pagod na ako!" Reklamo ni Jay at isinandal yung ulo sa back rest ng sofa.

"Nagugutom na ako!" Reklamo naman ni Brian.

Hindi na lang namin sila pinansin dahil lagi naman silang ganyan.

"May i-eedit ka pa ba dyan, Louielie?" Tanong ni Jin.

"Meron pa pero minor na lang. Titimplahin na lang siguro yung boses tapos goods na." Sagot ni Lou.

"Kailan mo matatapos? Matagal ba?" Tanong naman ni Phil na ngayon ay tumigil na sa pagtitext.

"Siguro mamayang gabi or bukas ng tanghali. Dipende kung anong oras ko balak simulan. Medyo sumasakit kasi mata ko."

Agad akong napatingin sa kanya dahil bigla akong nakaramdam ng pag-aalala.

"Sige. Ipahinga mo muna yung mata mo. Bukas mo na lang simulan." Sabi ni Jin.

Tumango naman siya ng nakangiti. Napalingon siya sa akin at ganun din ang ginawa niya, ngumiti din. Pero alam kong may ibig sabihin yun, hindi ko alam kung ano pero alam kong meron. Hindi ko siya ginantihan ng ngiti dahil inoobserbahan ko siya kaya naman ay umiwas na lang siya ng tingin.

"Hindi muna tayo magpractice bukas dahil exam week ngayon. Kailangan nating magreview. Saka na tayo magpractice kapag tapos na mga exam natin. Kapag natapos na iedit ni Louielie yung final audio, from time to time ay pakinggan natin yon para hindi natin makalimutan yung gagawin natin. Kung may time kayo ay practice-sin niyo din." Paalala sa amin ni Jin na sinang-ayunan namin.

Nagbigay pa siya ng onting paalala at feed back tungkol sa ginawa namin kanina noong may kumatok sa studio ni Lou. Akmang tatayo na siya pero inunahan ko na siya dahil ako ang malapit sa pinto. Nung binuksan ko na ay nakita kong si Tito Louis pala yung kumatok.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon