"Sasabay ka akin sa school o mamaya-maya ka pa?" tanong sa akin ni Mommy ng may pagmamadali dahil paalis na siya papasok ng trabaho.
Tama nga yung sinabi ni Mommy na kapag nakapasok na siya ulit sa trabaho ay magiging sobrang busy na siya. Ngayon ay papasok siya ng maaga at panigurado na naman ay uuwi siya ng late.
"Hindi na po, 'mmy. Una na po kayo. 7:30 pa po ako." sagot ko.
Tinignan ko ang ayos ko. Nakauniform na ako pero hindi pa ako tapos kumain. Kakaupo sa dining at kakakuha ko nga lang ng pagkain eh. 8am ang oras ng pasok at 7am pa lang kaya naman maaga pa ako. 30 minutes lang naman ang travel time.
"Oh, sige. Mag-iingat ka ah?" sabi niya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Love you, baby. Hindi kita masusundo mamaya."
"Okay lang po, Ma. Sabay naman po ako kay Phil. Ingat sa pagd-drive. Love you."
Umalis na siya sa kusina at ako naman ay nagpatuloy na sa pagkain. Habang kumakain ay nakita kong umilaw yung phone ko na nakapatong sa lamesa. Kinuha ko ito matapos isubo yung pagkain na nasa kutsara ko. Nang tignan ko ay nakita kong may text ako galing kay Lou.
From: Lou
San ka na?
Tinigil ko muna ang pagkain ko at itinuon ang atensyon sa pagrereply kay Lou.
To: Lou
Nasa bahay pa ako, kumakain. Ikaw?
Agad naman siyang nagreply kahit wala pang ilang minuto. Siguro hawak lang neto yung phone niya.
From: Lou
Nasa bahay pa din. Kakatapos ko lang kumain. Paalis na ako.
To: Lou
Hala! Wait lang ubusin ko lang pagkain ko. Hintayin mo ako dyan sa may playground.
From: Lou
Okay! Text ka lang kung papunta ka na.
Hindi na ako nagreply sa kanya. Napag-usapan namin kagabi bago kami matulog na sabay kaming papasok ngayon. Hindi namin nayaya si Phil at Jin dahil panigurado ay may mga driver yun. Gusto pa nga ni Lou na sa gate na lang kami magkita pero sabi ko ay susunduin ko na lang siya sa playground malapit sa kanila. Hindi ko alam pero para bang excited ako na sabay kaming papasok ngayon. This feeling is very new to me. Hindi ako ganito kasabik pumasok sa school. Lagi pa nga akong late eh. Bulakbol pa ako nung mga nakaraang taon pero ngayon, para akong nagkaroon ng matinding motivation sa pagpasok at pag-aaral ng mabuti. Maliban doom sa banta sa akin ni Mom ay alam kong naging malaking parte ng dahilan na yon si Lou.
Tinapos ko na ang pagkain ko at mabilis na hinugasan ang mga pinggan na ginamit namin ni Mommy. Dali dali akong pumunta sa kwarto at kinuha ang gamit at susi ng bahay.
Pagkatapos i-lock ang gate namin ay mabilis akong naglakad papuntang playground. 5 minutes lang naman ang layo noon sa bahay namin kaya hindi ako masyadong mahuhuli. Ako lang talaga yung nagmamadali ngayon. Siguro mararating ko yun ng tatlong minuto lang sa bilis kong maglakad.
Habang nagalalakad sa side walk ay tinext ko na si Lou na papunta na ako. Hindi naman siya nagreply pero siguro ay pumunta na rin siya sa playground.
Nang makarating ako doon ay nilibot ko yung paningin ko at hinanap si Lou. Hindi naman ako nabigo at nakita siya sa may swing na bahagyang dumuduyan. Nasa gilid niya lang ako pero hindi niya siguro ako napansin dahil hindi siya lumilingon. Nakatingin siya sa malayo at parang malalim ang iniisip niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/233566951-288-k14046.jpg)
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...